The Cubicle
Baka Minahal Na Kita (TULA)
Baka Minahal Na Kita
Ryan Magtibay
Hindi ko na alam bakit ganito ako sa iyo.
Sa bawat pagmulat, ikaw ang nasa isip
Sa bawat pagpikit, pinipili kang makapiling
Kung may iba pang sandaling mabibigay sa iyo
Buong puso kong pinipili ito
Sa pagpili kong muli na namang mag-aral
Sa pagpili kong sa pamilya ay muling mawalay
Lahat ng paghihirap, pagkabigo’t, pananabik
Buong puso kong inaalay sa’yo
Ngunit sinsaktan mo ko ng hindi mo alam
Pinapapili ng agad-agaran
Hindi mo alam kung gaano kalalim, kahapdi
Ang panghihinang napadarama mo sa akin
Pero sa araw-araw, ikaw pa rin
Hinahanap at ninanais na tila baliw
Sinisigaw ng puso:
Sayo pa rin yata sasaya
Mahal na ba kita, oh Medisina?
Hindi ko na alam bakit ganito ako sa iyo.
Sa tuwing magrereklamo hingil sa iyo
Sasabihin mong para sa iba ang lahat ng ‘to
Ipapakita sa’king puso ang kahalagahan
Na’ng pagpili ko’y isang paglalaan
Kaya ko ba piniling ako ay dumito
Dahil alam kong mahalaga ito para sa’yo?
Upang matupad ko ang pagiging makatao mo
Sa sariling lahi, di lang sa iba?
Ngunit sinsaktan mo ko ng hindi mo alam
Pinapapili ng agad-agaran
Hindi mo alam kung gaano kalalim, kahirap
Ang pagbibigay turing sa iyo ng ganito
Pero sa araw-araw, ikaw pa rin
Hinahanap at ninanais na tila baliw
Sinisigaw ng puso:
Sayo pa rin yata sasaya
Mahal na ba kita, oh Medisina?
Hindi mo alam kung gaano kalalim, kahapdi
Ang panghihinang napadarama mo sa akin
Ang mga pananabik na nauupos
Ang mga sandaling natatapos
Nang hindi man lang nawawari
O kaya’y naaasam
Basta kapiling ka
Wala nang maiisip na iba
Kaya nga sa araw-araw, ikaw pa rin
Hinahanap at ninanais na tila baliw
Sinisigaw ng puso:
Sayo pa rin yata sasaya
Baka lang nga…
Malay mo lang…
Pinili ko na’ng mahalin ka
Prinsipe (Maikling Kwento)
<meta http-equiv="Content-Type" content="text/html; charset=utf-8" />
<meta name="ProgId" content="Word.Document" />
<meta name="Generator" content="Microsoft Word 11" />
<meta name="Originator" content="Microsoft Word 11" />
<link rel="File-List" href="file:///C:\Users\USER\AppData\Local\Temp\msohtml1\01\clip_filelist.xml" />
Prinsipe<o:p></o:p>
Ryan Magtibay<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
May isang napakagwapong prinsipeng
may kahariang kasing lawak ng kalawakan at kayamanang kasing dami ng tubig sa
karagatan. Kasama ng kanyang perpektong pamilya na walang away o hinanakit sa
isa’t-isa kahit kalian, palagi siyang tumutulong sa mga mahihirap sa
pamamagitan ng pagbebenta ng mga bagay na talaga namang malaki ang sentimental value sa kanya para lang
pakainin ang mga taong walang makain, bigyan ng bahay ang mga taong walang
tirahan, at damitan ang walang damit. Abot sa langit ang kabaitan ng prinsipeng
ito na minsan nga iniisip ng marami kung bakit hanggang ngayon wala pa siyang
pakpak.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Isang araw, sinubukan niyang
maglakbay papunta sa isang islang wala sa mapa para gisingin ng halik ang isang
prinsesang may mukhang tatalo sa ganda ng kahit sinong babae sa balat ng lupa
at may katawang tataob sa kahit sino sa listahan ng FHM’s 100 Sexiest Women. Pagdating niya sa isla’y agad niyang
pinatumba ang isang malaking dragon ng buong tapang at lakas. Tapos, pinatulog
niya din ng isang suntok lang ang isang milyong bantay sa gate ng kastilyo. At pagkapasok niya dito, gamit ang taglay na
katalinuhang lampas sa kaya ni Einstein,
agad niyang na-solve ang puzzle na siyang susi sa pintuan ng hot na  prinsesang gusto niyang pakasalan.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Pagpasok niya, nagsimula nang
tumugtog ang Everytime I Close My Eyes ni Babyface habang dahan-dahan siyang
lumalapit sa kamang kulay ginto at puno ng pinakamagandang klase ng diyamante
kung saan natutulog ang prinsesa. Pagdating niya sa kama’y nag-close up sa kanya ang camera at pinakita ang kanyang mga
matang nabighani at nahulog sa kagandahan ng babaeng natutulog sa kanyang
harapan. Isang ngiti rin ang kanyang pinakawalan (na sinabayan ng tili ng
kakiligan ng mga babaeng nanonood sa sinehan) bilang pagpapakita na sa mga
sandaling iyon, siya’y masaya. Sobrang saya.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Ilang segundo ang nakalipas bago
natapos ang close-up shot ng
prinsipe. Nag-wide shot na ulit.
Tiningnan ng prinsipe ang prinsesang nakahiga sa harap niya mula ulo hanggang
paa. Pinagapang nito ang kanyang kamay sa hita ng babaeng natutulog. Hinawakan
niya rin ang malulusog nitong suso tapos ay dahan-dahan na niyang inilapit ang
kanyang mukhang simputi ng ulap, sing kinis ng marble, at kasing lambot ng unan sa mukha ng prinsisesa (kung saan,
sa puntong ito’y muli na namang nagtiliian ang mga babae sa sinehan na nagtagal
ng halos limang minuto, walang hingahan, ganun ka-hardcore). Unti-unting binukas ng prinsipe ang kanyang mga labi na
simpula ng mga rosas (dahil dito’y bahagya ring nakita ang mga ngipin niyang
kumikinang pa sa kaputian) at unti-unting inilapat sa bibig ng prinsesa.
Kasabay nito tumunog ang Heaven ni Bryan Adams.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Unti-unting minulat ng babae ang
kanyang mga mata. Nakita nito ang perpektong prinsipe sa harap niya – ang
gwapo, mabait at, higit sa lahat, mayamang prinsipe. Isang paghihinayang ang
kanyang naramdaman. Tapos, napilitan siyang ngumiti.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Wala pang 5 seconds, kinarga na agad ng prinsipe ang prinsesa at, sakay sa
kabayong may kargadang kasing laki ng sa kanya, dinala niya ang prinsesa sa
kanyang kaharian. Sa buong paglalakbay nila, na inabot lang ng 13 minutes, 12 seconds, and 54 milliseconds,
kasi may kakayahang lumipad yung kabayo nung prinsipe kahit wala itong pakpak,
hindi nagsalita ni ngumiti ang prinsesa.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Pinakilala niya ang prinsesa sa
kanyang perpektong pamilya at ang kanyang buong angkan ay malugod naman siyang
tinanggap. Binigyan siya ng reyna, ina ng prinsipe ng isang ginto’t diyamanteng
kwintas na kasing mahal ng isang bansa. Binigyan siya ng hari ng isang kwarto
sa kahirian na kasing laki ng <st1:place w:st="on"><st1:country-region w:st="on">Madagascar</st1:country-region></st1:place>.
Ang lahat ng mga pinakamagandang klaseng dekorasyon at kagamitan sa kwartong
ito’y binigay naman ng kapatid ng reyna na siyang hari naman sa iba pang fairytale. Ang kapatid naman ng hari na
siyang editor-in-chief ng nangungunang
fashion magazine sa kaharian ay binigyan siya ng isang libong damit na signature lahat at walang local. Tapos yung driver at bodyguard naman
nila na kamukha at kasing katawan ni Brad
Pitt pero maliit lang ang patutoy, binigyan ang prinsesa ng isang karwaheng
gawa sa diyamante pero may engine na
katulad ng sa Ferrari, automatic at di na kailangan ng kabayo.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Ngumiti lamang ang prinsesa. Pumasok
na siya sa kanyang kwarto at umupo sa kanyang <st1:place w:st="on">kama</st1:place>.
Habang nakatingin sa labas ng bintanang kasinglaki ng isang bahay, kung saan
kita ang isang lalaki na nakatayo sa hardin ng palasyo at nakatingin sa
bintana, isang patak ng luha ang tumulo mula sa mga mata ng prinsesa. Pagpatak
nito sa lupa’y naging mga perlas na may pinakamataas na klase ang mga ito na agad
niyang pinulot at ibinato palayo.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Dumating ang araw ng kasal ng
prinsipe at prinsesa, dalawang lingo mula nang matagpuan ng una ang huli sa
isang islang walang sa mapa. Ngunit bago pa ang araw na ito’y nagsiping na ng
paulit-ulit ang dalawa, kung saan sa bawat pagkakatao’y tumutugtog bilang background music ang Thinking of You ni Katy Perry. Hindi sumang-ayon ang tadhana sa kanilang dalawa kaya
naman hindi nagbunga ang mga pagsisiping na ito. Nguni’t ayos lamang sa
prinsipe. Tutal naman, kanya na ang babaeng pinakamamahal niya sa buong mundo,
maraming oras at panahon kaya di niya kailangang magmadali.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Pinuntahan ng prinsipe ang prinsesa
ilang oras bago ang kanilang kasal, kahit pa sinabi na sa kanya ng isang Feng shui master na malas yun. Nakaharap
ang prinsesa sa isang malaking salamin, suot ang kanyang wedding gown na gawa ng isa sa pinakarespetadong fashion designer sa kaharian nila.
Napakaganda nito. Lumapit sa kanya ang prinsipe.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Ako na yata ang pinakamasayang tao
sa buong mundo ngayon.”<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Ngumiti ang prinsesa at hinalikan sa
labi ang prinsipe. Matapos ay tahimik itong naglakad papunta sa isang la mesang
may mga kagamitan pang-make-up.
Nakangiting sinundan ng tingin ng prinsipe ang prinsesa. Tumingala siya sa
langit at nagpasalamat ng tahimik. Matapos ay masayang pumunta ang prinsipe sa
may pintuan, muling humarap sa prinsesang hindi siya pinapansin at nagsabi ng
“I Love You”. Tapos ay lumabas siya ng pinto, masayang-masaya.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Paglabas ng prinsipe’y napatigil ang
prinsesa at tsaka muling umiyak. Samantala, lumabas mula sa pagkakatago sa
kurtina ng isa sa mga malalaking bintana ang lalaking nakatayo sa hardin noong
unang araw ng prinsesa sa palasyo. Nakaputing plain T-shirt ito,
simpleng shorts na pambahay, tsinelas
at may magulong buhok. Siya yung lalaking nagtuturo ng mga bata na magbasa
paminsan para kumita. Nakita niya ang prinsesang umiiyak at malungkot siyang
napangiti siya. Nag-close up sa kanya
ang kamera at ipinakita nito ang mukhang kamukha ko at maraming taghiyawat.
Isang luha ang lumabas mula sa kanang mata ng lalaking ito bago siya tumingala.
Nag-wide shot. Makikitang nagdadasal
ng isang pasasalamat ang lalaki habang nakatingala. Matapos ay lumapit ito sa
prinsesa, niyakap ito, at hinagkan. Sa pagkakataong iyon, muling sumaya ang
prinsesa kahit alam niyang hindi ito magtatagal.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Kinasal ang prinsipe at prinsesa at
tinghal silang bagong hari at reyna ng kaharian. Sinundan ang kasalan ng isang reception na tumaob sa reception ng kasal nina Ruffa at Ylmaz. Sandamukal na bisita ang dumating – lahat mula sa
pinakamatataas na posisyon sa kung saan-saang bansa. Nagmistulang meeting ng world leaders ang reception sa dami ng VIP pero ayos lang. Masayang
masaya pa rin ang hari kahit na kalahati ng tao sa reception niya ay bodyguards. Sa katunayan, nagawa pa nga
niyang tumayo sa gitna ng venue, at
mag-alay ng kanta para sa kanyang minamahal – na narinig naman ng lahat dahil
may lapel mic ang prinsipe.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Ako’y nabubuhay dahil sa iyong
pagmamahal,” ang wika nito habang nakaharap sa bago niyang reyna na may tinitingnang
isang lalaki sa likod ng kanyang asawa, nakatayo kasama ng ibang bisitang sa
mga sandaling iyon ay pumapalakpak. <o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Siyam na buwan ang lumipas ay isang
prinsipeng kamukha ng bagong hari ang isinilang. Lubos ang saya ng hari lalu
pa’t ilang taon ang nakalipas ay nasundan ng tatlo pang supling ang kanilang
panganay. Matapos maisilang ang bunso’y, hindi na nila ito sinundan (suggestion
kasi sa kanila ng isang family planning
expert) at masaya niyang pinamunuan ang kaharian, kasama ang kanyang
pinakamamahal na reyna.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Isang masayang kaharian at
makabuluhang pamumuno ang naibahagi ng hari sa kanyang mga nasasakupan kaya
naman nang dapuan ito ng sakit ay maraming nalungkot at muntik nang
magpakamatay. Ngunit tila hanggang dito na lamang talaga ang kwento ng hari
dahil hindi na ito bumuti pa sa kanyang sakit kahit pa si House, M.D. na ang gumagamot at nagdadiagnose sa kanya.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Gabi ng ika-apatnapu’t pitong
anibersaryo ng hari at reyna, sa kwarto ng una kung saan nakahiga ito sa
kanyang kamang kasing mahal ng Mona Lisa ni Da Vinci, habang hawak ng reyna
ang kanyang kamay, nagsimulang bumigay ang puso ng hari. Nakita ng reyna ang
unti-unting paghirap sa paghinga ng hari at naluha ito. Niyakap niya ito.
Hinagkan. At niyakap muli nang mas mahigpit.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Naging masaya ang buhay mo,” sabi
ng reyna nang buong puso.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Tiningnan
siya ng hari sa mata nang buong lalim – tila sa maikling panahong iyo’y
naghintay ng isang katotohanan. Tinapos ang sandali ng isang masakit na pag-ubo
mula sa hari. Nang matigil ay makikita sa hari ang labis na kalungkutan kasabay
ng pagpigil nito sa mga luhang may dalang hinanakit at pagkaalam sa pagpatak
mula sa kanyang mga mata.<o:p></o:p>
<o:p></o:p>
“Hindi
naman ako nabuhay eh, pano ako naging masaya?”<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Tsaka
namatay ang isang napakagwapong prinsipeng may kahariang kasing lawak ng
kalawakan at kayamanang kasing dami ng tubig sa karagatan.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Poke, Poke (Maikling Kwento)
<meta name="Originator" content="Microsoft Word 11" />
<link rel="File-List" href="file:///C:\Users\USER\AppData\Local\Temp\msohtml1\01\clip_filelist.xml" />
Ryan Magtibay<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Pumasok siya sa Coffee Bean dala ang
mukhang kunwari malungkot at nagsisisi pero pacute pa rin at halatang ang
tanging pakay lamang ay ang amuhin ako na batiin siya. May tampo kasi ako sa
kaibigan kong yan. Hindi naman kasi patas na kapag tinext niya ko ng Sob… (with a sad/crying/crying violently
smiley face) eh mabilis pa sa kidlat akong kakaripas papunta sa kung nasaan
man siya, kahit ano pang ginagawa ko. Tapos ako, uulanin muna ng sampung libong
5 minutes at teka lang sorry busy pa ko eh bago siya dumating. Bwisit. Bwisit
talaga.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Busy?! Wushu. Asa! Malaking Asa!
Kung alam ko lang, nakikipagusap na naman siya sa di mo maabot at di mo matarok
na crush niya at nanliligaw sa kanya na kinuha na ata lahat ng talent at
magandang bagay, kahit kagwapuhan, sa mundo.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Minsan tuloy, dahil sa crush niyang
iyon, iniisip ko, siguro malungkot ‘tong taong ‘to. O kaya nasexually harass
nung bata. O kaya naagawan ng mana ng isang kapatid nang hindi niya alam.
Basta. Kahit anong mangyari, hindi perpekto ang buhay nun. Hindi dapat. Hindi
pwede. Kasi kung ganun, tarantado ang nagsabing all is fair in love and war.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Isang babaeng nakasimpleng org shirt
at blue jeans ang tumayo sa tabi ko at nagkukunwaring pinagmamasdan lang ako.
Maya-maya, sinisimulan na niyang pindut-pindutin ang braso ko gamit ang kanyang
hintuturo. “Poke. Poke,” ang sabi niya na parang akala mo naman umeepekto ang
pagpapakyut sakin. Patuloy ko siyang hindi pinapansin at nagkukunwaring hindi
pa rin tapos sa homework na apat na oras ko nang ginagawa dahil hinihintay ko
siyang dumating. Grabe. Kapag naman hindi ko naperfect ang homework na to, sa
sobrang dami na ng double check na ginawa ko habang naghihintay sa pagpoke ng
babaeng nasa tabi ko ngayon, ewan ko na lang.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Huy, Pete, bati na tayo. Sige na,”
ang sabi niya na may matching pouting of
lips pang nalalaman. Hindi ko siya pinansin. “Sige na. Grabe ‘to. Ang gwapo
mo ngayon. Yikee…” Sa isip ko: Ayoko.
Hindi mo na ko maloloko ng ganyan.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Uy, uy, tingnan mo yung babae dun
sa kabilang table oh! Kanina pa nakatingin sa’yo. As in! Di nga!” Ano namang pakialam ko sa babaeng yun kung
yung kanina ko pa hinihintay hindi naman ako pinansin ng apat na oras?! <o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Uy di nga! Weh! Seryoso nakatitig
talaga siya! OMG, tingnan mo oh nalaglag niya pa kunwari yung kutsara niya para
lang magka-excuse na tumngin dito! Grabe! Nakikita mo ba siya?” Buti pa nga siya nagpapapansin. Ikaw, kapag
nagalit ako tsaka lang.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Huy, pansinin mo na nga ako!
Hello?! Jane to Pete, hello? Huy. Wag ka na magalit. Hindi ko naman kasalanan
eh. May problema din kasi siya… kaya di ako nakaalis kagad,” ang sabi niya,
gamit ang isang malungkot na tono, sabay tungo ng ulo. Sabi ko na eh!<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Pwes buti pa siya,” ang sabi ko
sabay tayo para umorder ng panibagong kape at ng chocolate cake o kahit anong
matamis. Pagkatapos ng sinabi niya, parang kelangan ko ng pampasayang pagkain.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Hoy, grabe ka ah. Nagseselos?!” Kung alam mo lang! Hindi ko siya
pinansin. Bumalik ako sa upuan ko at nagsimula ulit sa ikalimampu’t siyam na
pagdodouble check ng aking homework. <o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Huy. Hindi mo ba talaga ako
kakausapin?”<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Anong tawag mo sa pagcomment ko
kanina?”<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Eh hindi naman maituturing na
conversation ang isang beses na palitan ng tig-iisang sentences noh!”<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Oo kaya.”<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Galit ka pa ba?” Bakit pwede ba kong magalit sayo?<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Oo.”<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Kaya nga sorry na eh,” ang sabi
niya gamit ang isang boses na nawalan ng tapang mula sa kanina niyang mga
pangungusap at napalitan ng lungkot. Hindi ako umimik.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Bakit ka ba nagtext ng Sob?”<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Kasi malungkot ako.”<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Bakit?” Kasi wala ka. Kasama mo yung crush mong demi god.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Kailangan ba may dahilan?”<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Kita mo to, inaaway mo ko dahil
hindi kita nasipot kagad tapos wala lang pala.”<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Nagsimula siyang tumayo at tumalikod
para umalis na. Gusto ko siyang pigilan pero parang may glue ang mga paa ko at
tila nakapako ang likod ko sa upuan na ang tanging nagawa ko lang ay tingnan
siya ng may panghihinayang. Nagsimula na siyang maglakad paalis. Grabe hanggang dito na lang ba ako?<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Bigla siyang humarap ulit ng may
ngiti at nagtatakbo pabalik sakin.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Joke lang! Yikee! Nalungkot yan
kasi akala niya iiwan ko na siya! Haha.”<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Nagulat ako. Hindi ako nagsalita
pero hindi ko rin napigilang mangiti. Mababaw na kung mababaw pero natuwa akong
bumalik siya. Akala ko wala na talaga eh.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Yes! Napangiti ko rin siya! Oh
bawal na magalit ah! Nakangiti ka na!” ang sabi niya.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Hindi ako nagsalita. Tumingin lang
ulit ako sa laptop ko pero sa pagkakataong ito, sinara ko na ang window ng
Microsoft Word kung nasaan ang homework ko.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Bat di ka pa rin nagsasalita?
Speechless?” Sa’yo? Why not?<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Hindi kasi ako makahinga. May
mabaho,” ang sabi ko sabay tingin sa kanya at takip ng ilong ko gamit ang aking
hintuturo.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Ang kapal mo ah!” ang sabi naman
niya sabay pakunwaring amoy sa kilikili niya para lang malaman kung totoo ba
sinasabi ko. At dahil dito, lalu akong natawa.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Nakakainis ka!” sabay palo sa akin.
Hindi ako umimik at tiningnan ko lang siya. Ang galing. Alam ko kanina
malungkot ako eh. Ngayon, hindi na.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Pero sorry pa rin ah. Alam ko
naming sumama talaga loob mo eh. Kasalanan ko talaga. Hindi ako makaalis eh.
Nung nagtext ka kasi, sakto naman na nagsimula siyang magbuhos sa akin ng sama
ng loob.” Sabi ko na eh! Hindi perpekto
buhay nun! May problema din yun!<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Akala ko perpekto yun?
Nagkakaproblema din pala?” ang sabi ko, kasabay ang isang maikling tawa.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Grabe ka naman Pete. Tao naman
siya. Naiyak pa nga siya eh.”<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Tumingin siya sa malayo tangay ang
mukhang inaalala ang nakaraan. Dahan-dahan niyang sinara ang mga mata niya
tapos ay muli itong binuksan. Kahit wala akong nakitang tumulong luha, alam ko,
sa loob niya, naiyak siya para sa lalaking yun.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Tumalikod ako sa kanya, kunwari
bigla lang nagbasa ng poster ng Coffee Bean sa pader na katabi ko. Talo na ba ko? Ginusto ko ring umiyak sa
mga sandaling ito para mapakita sa kanyang tao rin ako, parang yung crush niya.
At kagaya nung lalaking yun, pwede niya rin akong maging crush.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Matagal na walang nagsalita. Animo’y
may hinihintay kami pareho na gawin ng isa bago matuloy ang masayang usapan
kanina.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Pete, mahal ko na ata siya.”<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Ayoko na siyang harapin nun. Baka
kasi mahalata na niya na may nararamdaman ako kapag nakita niyang ang reaksyon
ko sa sinabi niya ay katulad ng isang negosyanteng nabankrupt. Hindi ako
kumibo.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Ano?” ang sabi ko,
nagbibingibingihan.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Hindi. Ano ka ba. Hindi ko naman
feel na may gusto na ko sa kanya dahil iniyakan niya ko,” ang sabi niya na
parang di ako narinig at parang kausap ang sarili.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“I mean, gwapo naman siya.
Responsible din.” Ako din naman ah!<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Talented pa! Tsaka athletic!” Ako din naman ah!<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Mabait siya.” Ako din naman ah!<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“At mahal niya ko.” Ako din naman ah…<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Kaya baka. Baka lang naman. Baka
mahal ko na siya.”<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Tumalikod na ko at hinarap siya.
Muli kong sinilayan ang mahaba niyang buhok, ang maputi niyang kutis, at ang
mata niyang una ko pa lang nakita, napaibig na ko kaagad.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Goodluck Jane.”<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
“Salamat Pete.”<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Gustong-gusto kong umiyak,
gustong-gusto ko magwala, gustong-gusto ko maglabas ng sama ng loob pero hindi ko
kaya kaya’t lahat ng emosyon, lahat ng sakit itinago ko lang muna sa sarili ko.<o:p></o:p>
<o:p> </o:p>
Isang babaeng nakasimpleng org shirt
at blue jeans ang dahan-dahang naglalakad palayo mula sa aking <st1:place w:st="on"><st1:city w:st="on">la mesa</st1:city></st1:place> papunta sa pintong
palabas sa Cofee Bean. Habang pinapanood ang kanyang pag-alis sa gilid ng aking
mga mata, binuksan kong muli ang Microsoft Word sa aking laptop at ang aking
homework. Tsaka ako lumuha.<o:p></o:p>
Sunflowers (Short Story)
Do readers really assume that the gender of the main character of the story is the same with the gender of the writer? I don't. haha. But when I once wrote a fiction story that had a female main character in the first voice, people assumed the character was GAY. hahahahaha. And that they still assumed even though I already put signals that the character was female.
Wala lang. I think regardless of one's gender he/she has the capability to write through the eyes of the opposite gender. And I guess that would even be more interesting for lit people since it would show what the two genders think about each other.
Anyway, so much for the introduction. :P
I just want to say that the main character of this story is FEMALE. Just so you won't get confused. :)
Sunflowers
Ryan Magtibay
I was just waiting for my best friend to arrive. But still, the tears kept on flowing.
We were planted close to each other. I always believed that that was fate, judging by how great our similarities were. Some sunflowers eventually told us it was just chance since we were randomly picked from that bag of seeds, but who cares? We knew we were meant to meet. We knew we were meant to establish this bonding that the other sunflowers don’t possess. For that closeness – the random yet fortunate consequence of being planted next to each other, allowed us to be best of friends. And the friendship was something tight – something very real.
I didn’t want her to see me cry. Between the two of us, it was already a given that she’s the cry baby. And I was always the amazona – the tough girl. She’s the kikay while I was always “one of the boys.” She’s overtly emotional – crying over small things – and I was the concealed type. She always cried and I don’t. Even so, with all the differences that stand between us, we always had that special connection – that undeniable bond – which made us the best of friends ever since.
We grew up knowing what we are and helping each other cope up with the pressures of nature. You’d almost always want to just wilt, but I push you to continue. After all, the end of growing up would be to become beautiful flowers – not just lame old plants with nothing to be attractive about, but flowers – something you’d love to be.
We became one another’s confidant – telling each other secrets that up until now the ears of the world have not heard, helping each other like an inseparable pair of twins, and never forgetting about the moments we’ve shared and enjoyed. We wanted to disprove that blood is thicker than water. We were sisters, girlfriends, best pals – name it. And we knew it could last forever like this.
The other sunflowers started teasing us when they noticed we grew up facing each other. We were big flowers then – full-grown flowers that bloomed beautifully. Yet, they said something was wrong. We were sunflowers so if we just remain looking at each other’s petals, how would we be able to see the beauty of the sun? And that was when you started to look. I didn’t because I thought I wouldn’t like it. But you did. You kept on looking at the sun and fell in love with it.
Even two best of friends have different lives. We tried to be as close as possible but somehow, somewhere, we knew our lives would diverge. And it did. It brought changes we tried to cope up with. But see, people grow up and meet other people. No one could stop that. But I wish somehow that I can so that I wouldn’t be here waiting for her.
There was this unspoken promise that I wouldn’t look, even when you started growing tired of looking at the sun. You knew I don’t like it anyway. You knew I wouldn’t. I knew I wouldn’t. But I did. I looked at the sun once to know why you sparkle so much whenever you glance upon it. I looked at the sun so that I would know if it was worth looking. I looked since you started to dislike it anyway. And you were sleeping then, so you didn’t see how I fell in love.
I developed my own life, too, but I always had that open communication with you. I was traversing my own life well, – so well – back then, but fate – yes the same one that allowed us to meet and become more of sisters to each other – was just too stupid.
I kept on looking, admiring, and loving the sun, even when you started to get a hint that I was breaking the unspoken promise. I kept on looking even when you’re awake and could see me glancing at it. I kept on looking and I continued growing up until I couldn’t turn away anymore – until I couldn’t control my self anymore from not looking. And since I grew up bigger than you, I unconsciously cast a big shadow between us and I unwillingly prevented you from seeing the sun again.
She arrived at last. She ran towards me as she always does whenever we meet up. She hugged me tight and expelled a big sigh of relief after, as she always does. She let me go and then fixed the hair that kept on falling towards my face, as she always does. I could feel her excitement that was just so overwhelming that I needn’t to express any of that feeling anymore. She also didn’t notice that I was crying.
I always knew I couldn’t let you have a broken heart. I always knew I was ready to wilt and die just so you would see the sun again. I always knew I’d give up looking at the sun for you. But its beauty casts doubts on my thoughts. Was I ready to die and give up seeing the sun again just so you’d be able to see it? Am I selfish, or are you for expecting me not to be?
She looked at me with so much longing. I knew she missed me and I missed her, too. I missed her so much I wanted to stop what I was about to do. But, she just looked at me with such a happy smile and truthful eyes. Then, I knew I just couldn’t lie anymore.
“I love him, too. And I’m so sorry.”
Then, I walked away knowing it wouldn’t be the same.
Culion (Maikling kwento)
Culion
Ryan Magtibay. 021908
Isang lalaki ang nagninilay-nilay sa isang parkeng kagulat-gulat na puno ng tao.
Patuloy ang kanyang pagmamasid sa mga taong di naman namamansin at patuloy lamang ang pagtahak sa kani-kanilang buhay.
Di inalis ng lalaking nakatunganga ang tingin sa mga taong naglalaro, naglalakad, kumakain, kumakanta, sumasayaw at kung anu-ano pa.
Isang babae ang dumaan sa kanyang harapan na para bang aninong iyong nakikita sa tuwing nanonod ka ng mga piniratang pelikula.
Sinabayan niya ng tingin ang lakad ng babaeng may katamtamang bilis.
Biglaan at di inaasahan, isang lata ng mabaho at nakasusulasok na lata ng sardinas na puno ng Uranium 238 at 95% formalin ang kanyang tinapon sa kanyang harapan.
Kumalat ang amoy at agad na namatay ang mga damo sa lugar na pinagbagsakan nito.
Ngunit di naman talaga ito pinansin ng lalaking kanina pa tahimik na nagmamasid.
Paano’y isa pang nakabibiglang bagay ang ibinato sa kanya ng tadhana.
Nang sa loob ng isang segundo, simbilis ng pagkurap ng kanyang mata at di inaasahang tulad ng isang ulan sa maaraw na kalangitan, napagtanto niya ang isang bagay na kanina pa nakasambulat sa kanyang mukha.
Dahil sa babaeng dumaan, bigla niyang napansin at bigla siyang nagtaka sa napaghinuhang bagay na tila di kapani-paniwala.
Lahat sila naka-itim.
Kahit yung babaeng nagtapon ng radioactive na kemikal sa daan.
Lahat sila nakaitim mula taas hanggang baba.
At ang lalaki, nakaputi.
Tila may nagplano at nagdikta ng animo’y “costume” ng mga tao sa parke.
At akalain niya pa nga, ang lalaki lang ang tumaliwas.
At natuwa siya sa kanyang pagkakaiba.
Nagalak siya sa isang bagay na dapat sana’y kanyang ipinagtataka.
“Ako lang pala ang anghel,” ang sambit ng lalaking ngayo’y buong saya na ang pagmamasid.
Kalaula’y namuhi ang lalaki dahil sa kanyang nahinuha.
Namuhi siya sa lahat ng nakakulay itim.
“Lahat pala sila parang yung babae,” sambit nito habang patuloy na binitawan ang ngiting kanina’y nakapaskil sa kanyang mukha.
Naramdaman niya ang isang matindi at malalim na galit dahil naka-itim ang mga tao at bakit kagaya sila noong babaeng gumawa ng masama kanina lang at di tulad niyang tahimik na nagmamasid at ginagaya ang mga anghel.
Katulad ng kanyang pagninilay-nilay, katulad ng mga damong kanina’y pinatay noong Uranium 238, tahimik pa rin siya.
Ngunit umiikot at nananatili ang galit na ninanais nitong ilabas.
Tumingin ulit siya sa lahat ng tao sa parke.
Tama nga siya, lahat sila naka-itim at animo’y kulto ang dating.
Dahang-dahan lumayo ang lalaki, piniling manahimik at umalis sa parkeng puno ng taong naka-itim.
Nang makalayo siya ng may ilang talampakan, nakaramdam siya ng isang pagtawag ng kalikasan at dali-dali namang naghanap ng malapit na palikuran.
Maingat itong pumasok sa loob ng kubeta, iniingatang madumihan ang kanyang puting damit na naiiba.
Nang nagawa nitong makahanap at makapagplano ng akmang lugar at posisyon kung saan magagawa niyang dumumi ng di nadudumhan, agad itong nagbukas ng zipper.
Nakatingin siya sa pader ng sinimulan niyang ibaba ang puting pantalong suot.
Dahil kailangang mag-ingat, napayuko ito upang maiwasang sumayad ang kanyang puting pantalon sa lupa.
Dito siya’y nagulat.
Dito siya’y nagtaka.
At dali-dali siyang nakaramdam ng pagtanggi.
Naka-itim na brief siya..
Naka-itim rin pala siya.
Sa Isang Gazebo sa Pisay(MAIKLING KWENTO)
I started writing this a long time ago. Last year pa yata. Pero dahil sa hindi ko alam kung pano tatapusin, hindi ko tinapos. I saw it again last week as a stored, ignored, and forgotten file in my computer folder. I felt sad for not finishing it since I was able to start it off quite well already. Kaya ayan, binigyan ko na ng ending. At finally, mapopost ko na siya.
Trivia lang, this is the last of my "Sa Pisay" fiction stories. As in siya yung pinakahuli tapos hindi ko pa tinapos. Hehe. Hope you, the one reading this, would like it. :D
Sa Isang Gazebo sa Pisay
Ryan Magtibay
Sa pagkakaalam ko, isang bagsak na longtest sa Physics, isang lab rep sa Biology na hindi na-print, isang nawawalang scientific calculator, at isang mahabang sermon mula sa isang gurong hindi ko naman kilala ang nagtulak sa akin para pumunta dito. Ewan ko ba. Para kasing sa dinami-dami ng mga tao sa mundo eh ako pa ang napili ng tadhana na bwisitin sa araw-araw.
Kaya tulad ng dati, andito ako ulit at nakaupo sa isang gazebo – yung pinakamalayong gazebo mula sa back lobby ng SHB. Gusto kong sumigaw pero wala rin naman kasing papansin. Kahit pa siguro magpakamatay ako dito ngayon na eh walang may pakialam. Baka nga sigawan pa nila ako ng isang tumataginting na: “Weh! Papansin!”. Ewan ko ba naman kasi kung bakit bukod sa maraming masasamang bagay na dinudulot niya sa buhay ko ay pinili rin ako ng tadhana na maging isang taong kulang na nga sa pansin eh wala pang pumapansin.
Siguro, kung tao lang ang tadhana, napatay ko na siya. Ewan ko ba naman kasi kung bakit hinayaan niya pa akong mabuhay kung gagawin niya lang namang isang nakagigimbal na panaginip ang buhay ko. Hindi ka na nga katalinuhan, bano pa sa larangan ng pampalakasan at madalas ay malas pa sa araw-araw, ginawa ka pang isang taong walang kaibigan. Hay. Ang sarap niyang sipain.
Sa dami at bigat na marahil ng dinadalang emosyon ng utak ko, ay hindi ko na rin nakayanan at napasandal ako sa posteng humahawak sa bubong ng gazebo. Oo, nakaupo ako sa may lamesa at hindi sa upuan. Sa mga pagkakataong ito, wala na akong pakialam kung may sisita sa akin. Sa dami na ng nangyaring masama, hindi na rin makakaapekto yun.
Sa pagsandal ko ay may kung anumang tumusok sa likod ko. Sa pagaakalang isang insekto iyon ay agad akong lumingon. Ngunit hindi isang kulay berde o kaya’y itim na hayop ang nakita ko, kundi isang kulay rosas na pitaka. Halata mo naman kaagad na isang babae ang nagmamay-ari nun dahil na rin sa maraming mga bulaklak na mistulang disenyo nito. Binuksan ko ang pitakang iyon, nguni’t hindi para nakawin o kung anuman ang nasa loob nito. Sa halip, binuksan ko iyon upang malaman kung mayro’ng kung anuman sa loob na maaaring magbigay ng impormasyon sa kung sino ang may-ari ng naturang pitaka.
Sa pagbukas na iyo’y sumambulat sa akin ang napakaraming larawan. Larawan ng isang lalaking kailanman ay hindi ko ianaasahang makita sa isang pitakang kulay rosas at pagmamay-ari ng isang babae.
Ako ‘to ah!, ang walang-tunog na sambit ng aking mga labi kasabay ang malakas na pagtibok ng aking puso. Nasa harap ko ngayon ang napakaraming larawan ko na hindi ko alam kung paano napapunta rito. May mga larawang hindi ko alam kung kelan kinuha at kung paano. Mayroong kinuha habang natutulog ako sa may front lobby, habang nag-aaral ako sa may library, habang naglalakad ako papunta sa gym, habang papaakyat ako sa may 2nd floor ng ASTB at marami pang iba.
Mabilis na nag-isip ang utak ko. May nagkakagusto sa’kin?, ang mabilis na tanong nito sa akin. Aba malay ko. Hindi naman marami ang nagkakakilala sa akin at wala naman talaga ako noong tinatawag ng iba na barkada. Bukod sa mga kaklase ko, wala nang ibang nakakapansin na nabubuhay pala ako.
Sa kasamaang palad, wala ring kahit na anong laman ang pitaka na maaaring magsabi sa akin kung sino ang may-ari nito. Anong gagawin ko ngayon dito? Nakakahiya naman kung malaman ng may-ari nito na nakita ko ang laman ng pitaka niya. Baka mailang siya sa ‘kin. Dapat siguro hindi niya na lang malaman na ako ang nakakita. Kung sino man siya, kahit hindi ko na siya makilala, napasaya niya na ako.
Tumingala ako at nagbuntung-hininga. Akalain mo. Sa mga panahong akala mo ikaw ang pinakapanget at pinakawalang-kwentang tao sa buong mundo, biglang may magkakagusto sayo. Sa mga pagkakataong gusto mong patayin ang tadhana dahil sa mga pinaggagagawa niya sayo, bigla na lang siyang babawi sayo. Akalain mo.
Pumunta na ako noon sa Registrar’s Office para isuko ang pitakang nagbalik sa akin ng aking matagal-tagal na ring nawawalang kumpiyansa sa sarili. Buong ngiti ko iyong inabot sa babaeng nangangasiwa sa “lost and found.” Buong puso kong sinabing, “Miss, nakita kop o ‘to sa may gazebo. May nakawala po ata.”
“Aba, salamat iho. Gusto mo bang ipaalam sa may-ari nito kung sino ang nakakita at buong tapat na nagsauli?,” ang nambobolang tanong ng babae.
“Ito namang si miss. Hindi na po,” ang aking tugon.
“Ikaw rin, babae ang may-ari nito sigurado. Malay mo,” ang nagingisi nitong sagot.
Natawa na lang ako at muling umiling tsaka naglakad papunta sa pinto palabas. Si miss talaga. Kung alam niya lang. Sa pagbukas ko ng pinto, isang babae ang aking nakasalubong. Tiningnan niya muna ako ng may halong pagkagulat at pagtataka tapos ay patuloy ng pumasok sa loob. Sa pagkakatanda ko, siya yung sinasabi ng kaklase ko na pinakamaganda sa batch namin. Sandamukal nga daw yung nagkakagusto sa kanya eh. Heartthrob kumbaga. Ang swerte ko naman. Nakasalubong ko pa siya!
Palabas na sana ako ng pinto ng narinig ko ang tinig ng babaeng kakapasok lang.
“Miss, may nagbalik po ba ng wallet dito? Nawawala ko po kasi yung akin eh. Kulay pink po yun na may mga flowers.”
Ibang klase bumawi ang tadhana.
Isang Sigaw (TULA)
Isang Sigaw
Ryan Magtibay
Ilan na lang kayong kayang magtaas
Sandamukal na isla ng ating Pilipinas
Ilan na lang kayong mga inaasahan
Para gisingin ang kinabukasan
Humayo ka't magitla
Tumalon, magwala
Ipakitang buhay pa
Ang mag-aaral na pag-asa
Ilan na lang kayong makakatulong
Sa bansang nilumot na at ikinulong
Ilan na lang kayong makakakita
Ng muling pag-alan ng namamatay na siga
Humayo ka't magitla
Bago tuluyang mawala
Dala mong pag-asang
Di taglay ng iba
Hanggang Ngayon (MAIKLING KWENTO)
Ryan Magtibay
“Panginoon, hindi ako karapat-dapat magpatuloy sa Iyo, ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.”
Tumayo na ako mula sa aking pagkakaluhod at pumila sa linya ng mga tao na kukuha ng komunyon. Bilang isang babae, may tatlong kalalakihan ang pinauna muna akong pumila bago sila pumila sa likod ko. Akalain mo, may mga gentleman pa palang katulad niya.
Patuloy pa ring humahaba ang linya habang nagsimula nang mamigay ng komunyon ang pari. Napatingin ako sa paligid at muling napansin ang kulay tsokolate at lumang-lumang mga dingding ng simbahan. Ito nga pala ang unang bagay na nagustuhan ko ng lubusan sa simbahang ito nang unang beses niya akong dinala rito.
Nabanggit ko iyon sa kanya pagkatapos niyang magdasal. Taimtim kasi siya kung magdasal dahil sa lubusan niyang pagiging maka-Diyos at ayaw na ayaw kong naiistorbo ko siya. Binanggit ko sa kanya kung paano ako nabibighani ng lubusan sa dating ng mga makalumang dingding ng simbahan at ng pakiramdam na para kang bumabalik sa nakaraan sa tuwing nasa loob ka nito. Natawa pa nga siya eh. Gayon din daw ang pakiramdam niya sa lugar na iyon.
Bahagyang bumagal ang pag-usad ng pila ng mga magkokomunyon. May ilang tao kasi ang sumisingit. Hindi ko naman ito alintana at sa halip, ay patuloy ang paglalakbay ng aking isip sa nakaraan. Oo nga pala. Biniro ko pa siya noon na dito ko gustong magpakasal. Kahit hanggang ngayon, ito lamang ang tanging lugar na maaring maging saksi ng aking pagpapakasal. At hanggang ngayon, siya pa rin ang gusto kong makasama sa pangangako sa Diyos ng panghabambuhay na pagmamahalan.
Bilog ang buwan noon at taglay nito ang di kapani-paniwalang pagkinang na lubusang nagpahanga sa aming dalawa. Hawak namin ang kamay ng isa’t-isa habang kami’y naglalakad sa kahabaan ng Roxas Boulevard. Nakatitig lamang ako sa kanya ng mga sandaling iyon habang patuloy niyang binabagtas ng tingin ang aming nilalakad. Hindi ko na alam noon kung paano niya sinabi sa akin. Basta matapos ang gabing iyon, hindi na ako tumigil sa pag-iyak.
May mas mahal daw siyang iba.
Hindi ko iyon matanggap noon. Para akong pinagsukluban ng langit at lupa nang unti-unti niyang pinapaliwanag kung bakit dapat nang matapos ang minsan pang naging pinakamasayang yugto ng buhay ko. Hindi ko maatim isipin noon na dadating ang araw na sasabihin iyon sa akin ng lalaking pinag-alayan ko ng aking buong buhay. Hindi ko mawari kung paanong ang mga simpleng salitang iyon na nagmula sa kanyang bibig ay sapat na upang masaktan ako na para bang ako’y pinapatay.
Mahal niya daw ako pero may mas matimbang. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap.
Gusto kong magalit noon. Parang sasabog ang dibdib ko sa ginawa niya sa akin. Handa akong kalabanin ang buong mundo para sa kanya pero ako, handa niyang talikuran. Hindi ako pumayag noon. Ayaw kong matuldukan ang mga sandaling magkakasama kaming dalawa. Ayaw kong pakawalan ang pinakamagandang bagay na nangyari sa akin.
Pinaramdam ko iyon sa kanya – na hindi ako susuko. Ginawa ko ang lahat para mas maging higit ang pagmamahal niya sa akin. Kahit labag sa kanyang kalooban, pinagpatuloy ko ang pagbisita sa kanya. Pinagpatuloy ko ang pagbibigay ng mga regalo at kung anu-ano pa para lang masabi na nandito pa rin ako – umaasa.
Hindi ko siya binitawan. Pero matagal na pala siyang bumitiw.
Nagalit ako noon sa Diyos. Tinanong ko sa kanya kung bakit dapat niyang kuhanin sa akin ang tanging lalaking magmamay-ari ng puso ko at kung ano ang dapat kong gawin para makuha siya pabalik.
Patuloy kong sinubukang kalabanin yung mas minahal niya kaysa sa akin. Kahit noong mga sandaling iyon, buhay na buhay pa rin ang pagnanasa kong mahalin niyang muli. Pero wala eh. Namili na siya. At hindi ako iyon.
Matagal bago ko napagtanto ang bagay na iyon. Matagal bago ko nawari na tapos na talaga ang lahat – na walang magagawa ang pagpupumilit ko. Kung sa bagay, mahirap naman talaga kalaban ang Diyos.
Halos tatlong taon na rin ang nakaraan mula noong huli kong pagkokomunyon. Dumating na ako sa dulo ng pila at pagkakataon ko na upang tanggapin ang Katawan ni Kristo. Tiningnan ko ang pari sa kanyang mga mata. Kilala pa kaya niya ako? Marahil.
“Katawan ni Kristo…”
“Mahal pa rin kita. Amen.”
Isang magandang Alaala (DULA)
Isang Magandang Alaala
Isinulat ni: Ryan Magtibay
MGA TAUHAN:
Gary, 36, may-ari ng isang maliit na beerhouse
Tessa, 16, anak ni Gary
PANAHON: gabi, matapos ang hapunan
Ang dula ay magsisimula sa silid ni Tessa. May maliit na  kama sa gitna, may aparador sa gilid, at  may salamin sa tabi nito. May lalagyan rin ng libro at larawan sa tabi ng salamin. May ilang manika ang nakapatong sa may kama. Kapansin-pansin na hindi mayaman ang may-ari ng silid.
Liliwanag ang slid at biglang papasok si Tessa, isasara ng padabog ang pinto at tsaka guguluhin ang mga gamit sa kwarto. Ihahagis ang mga libro at larawan, damit at manika sa kung saan-sang sulok ng slid. Kapansin-pansin ang pagkainis at pag-iyak nito. Tutungo ito sa isang drawer at kukuha ng baril. Tutuloy ito sa sulok at doon hahagulgol. Unti-unting magdidilim ang silid hanggang sa tuluyang magdilim.
Matapos ang ilang segundo ay may maririnig na katok. Mananatiling nakapatay ang mga ilaw. Matapos ang ilang segundo ay mauulit ang pagkatok. Matapos ay bubuksan ni Gary ang pinto ng dahan-dahan. Kasabay nito ay dahan-dahan  namang magbubukas ang mga ilaw.
Gary: Tessa? Malungkot ang tnig.
Tessa: Lumayo ka! Dito ay bubukas na ang ilaw ng tuluyan. Sasagot si Tessa ng hindi tinitinganan si Gary.
Gary: Anak gusto ko lang mag-usap. Nanunuyo.
Tessa: Anung karapatan mo para tawagin akong anak? Lumayo ka! Pasigaw.
Gary: Anak wag ka namang ganyan. Nanunuyo pa rin.
Tessa: Sinabi nang lumayo ka! Tatayo ito upang batuhin ang ama ng librong nadampot sa sahig.
Iilag si Gary.
Gary: Walang mangyayari kung hindi mo ako kakausapin! Bakit? Kaya mo na ba mag-isa?
Hindi iimik si Tessa at, sa halip, ay titingnan lang ng masama ang ama.
Gary: Anak, intindihin mo naman ako. Lalapit kay Tessa.
Tessa: Wag mo akong lapitan! Hayup! Hayup!
Lalayo si Tessa sa ama.
Gary: Anak…
Tessa: Tantanan niyo nga ang pagtawag sa akin niyan! Nakakapandiri! Dahil simula kanina, winakasan mo na ang pagiging mag-ama natin!
Gary: Ginawa ko lang iyon para sa iyong kapakanan!
Titili ng malakas si Tessa. Tatakpan nito ang kanyang mga tenga at mapapaluhod. Patuloy ang kanyang pag-iyak.
Tessa: Ang kapal ng mukha mo! Ang kapal mo! Mararamdaman ang pagkapoot.
Gary: Hindi mo ko naiintindihan. Papatayin nila ako kung hindi ako papayag!
Tessa: Kaya ba mas pinili mo ang sarili mo? Unti-unting tatayo at titngin ng masama sa ama.
Tessa: Ha? Pauyam. Itay?
Gary: Patawarin mo ako anak. Luluha.
Tessa: Ha! Patawarin? Napakadali namang sabihin. Pero kung anung dali pa lang bigkasin ng mga salita, anung hirap rin kung gawin. Pasingal.
Gary: Wag ka namang ganyan, anak.
Tessa: Bakit? Noong nangako kayo ni nanay sa harap ng altar na magsasama ng habang buhay, di ba anung dali kung bigkasin ang mga salitang yun? Pero, tay, nagawa niyo ba? Siyam na taong gulang pa lang ako nang sabihin niyo saking hindi niyo na kaya!
Gary: Hindi ko kasalanan iyan, anak! Alam mo iyan!
Tessa: Paismid. Ano, tay? Hindi mo kasalanan? Ang alin? Eh lahat yun kasalanan mo!
Gary: Hindi ako ang nangaliwa! Pasigaw.
Tessa: Pero wala ka ring ginawa! Wala! Maluluhod sa labis na pagiyak.
Gary: Hindi ko na kasalanan iyan! Ang ina mo ang gumawa ng gulo, hindi ako! Ginusto niyang maghiwalay kami! E di sige! Hindi ko kawalan!
Tessa: Pero kawalan ko! Kawalan ko!
Gary: Hindi mo kailangang ng ina para mabuhay. May galit.
Tessa: Pasigaw. Sinong may sabi sa’yo?
Hindi sasagot ang ama.
Tessa: Manhid ka ba talaga? Manhid sa kung anung nararamdaman ng sarili mong anak?
Titingin papalayo kay Tessa ang ama. Halata na ang mga luha sa mata nito.
Tessa: Hindi mo alam kung anung ginawa nila sa akin! Mabagal at bakas ang pagkamuhi sa bawat salita. Binaboy nila ko! Wala silang tinira! Wala!
Gary: Patawarin mo ––
Tessa: Dahil sa’yo! Dahil makasarili ka! Sana hindi na lang kita naging ama!
Gary: Pwes, hindi mo rin alam kung paano nila ako pinahirapan! Hindi mo alam kung paano ––
Tessa: Kaya ako na lang, tay? Pasigaw. Kaya ba hinayaan niyo na lang silang gawin iyon sa’kin? Kaya niyo ba ko binigay sa kanila para ako na lang iyong tumanggap ng hirap kasi hindi niyo na kaya?
Gary: Hindi ––
Tessa: Punong-puno ng pagkamuhi. Ang sama mong ama! Ang sama mo! Ang sama mo!
Gary: Mapapaluhod at umiiyak. Ang sabi nila isang beses lang daw. Tapos hindi na nila tayo gagambalain. Hindi na raw sila babalik. Isang beses lang daw…
Hindi makapaniwala si Tessa. Hahagulgol si Tessa ng napakalakas habang nakaluhod at nakayuko pa rin si Gary sa sahig.
Tessa: Mpapaluhod din ito. Binaboy nila ko, ‘tay. Madiin at malakas. Hahagulgol si Gary pagkarinig ng mga salitang ito. Paulit-ulit nila akong binaboy! Pasigaw. Paulit-ulit! Paulit-ulit!
Hindi sasagot si Gary at patuloy na iiyak.
Tessa: Hindi sila naawa, tay! Hindi naawa ang mga putang-inang mga pulis na ‘yon! Baboy sila! Baboy! Pagkamuhi.
Gary: Patawad, anak…
Tessa: Alam mo, isang bagay lang ang pinanghihinayangan kong hindi nila ginawa. Dapat pinatay na nila ko! Ilalabas ang baril na kinuha kanina sa drawer.
Mapapansin ng ama ang hawak ng anak.
Gary: Anak?! Huwag! Agad na lalapit sa anak upang tangkaing agawin.
Itatapat ni tessa ang baril sa ulo niya at lalayo sa ama.
Tessa: Huwag kang lalapit! Ipuputok ko ‘to!
Gary: Anak, wag mo namang gawin ‘to!
Tessa: Wala ka nang anak! Nung mga panahong iyon na ibinugaw mo ako sa mga pulis na iyon bilang kabayaran para hindi ka na nila dakpin dahil sa makamundo mong pagshashabu, kinalimutan mo nang may anak ka!
Gary: Pasigaw. Huwag! Mahal na mahal kita, anak!
Matitigilan si Tessa ngunit patuloy ang pagdaloy ng kanyang mga luha.
Tessa: Paiyak. Sa buong buhay ko, tay, yang mga salitang yan ang pinakamagandang alaala niyo sa akin.
Biglang magdidilim at maririnig ang isang putok ng baril na kasunod ay isang malakas na pagsigaw mula kay Gary.
Kasabay ng mga Rosas (TULA)
Kasabay ng mga Rosas
By: Ryan Magtibay
Kasabay ng hanging iihip sa iyong buhok
Kasabay ng iyong boses na unti-unting bumubulong
Kasabay ng iyong mga matang unti-unting mumulat
Kasabay ng ‘yong labing unti-unting bumubuka
Isang anghel ang dito ay bababa
Isang libong kalapati ang sabay-sabay na lilipad
Para ako’y samahan sa mga sandaling ito
Para ako’y tulungang masabi sa iyo
Kasabay ng mga rosas na mamumulaklak
Kasabay ng mga bituing patuloy na kikislap
Kasabay ng mga dahong pumapagaspas
Kasabay ng mundong sa iyo’y iaalay
Kasabay ng lahat-lahat ng tungkol sa iyo
Ay ang pagmamahal kong matagal nang itinago
Kasabay ng tugtuging maririnig mo,
Ilalahad ko ang pusong para sa ‘yo