PunkNDisorderly

I Don't Want to Wait
Nagbabaon na ako sa school! Parang balik ako during my highschool days na I need to bring my own baon na kanin and ulam! Pero actually nakikikain lang naman ako noong highschool ako sa mga classmates ko na nagdadala ng baon! Spoon and fork lang naman talaga ang dala ko lang noon! Pero by this time naman nagbabaon na talaga ako ng kanin and ulam kung kelan naman naging college student ako di ba?

Pero enjoy naman ang pagbabaon! Nabubusog na ako at nakakatipid pa ako! At tsaka enjoy rin ang sharing ng mga baon baon eh!

Kanina din naexperience ko ulet umuwi na ang daan ay sa SM Fairview! Matagal tagal na din kasi bago ulet ako umuwi sa route na yun, first year college pa yung last na doon ang route ko pauwi, may balak kasi rin akong bumili ng Havainas doon. Pero ang experience ko naman ay talagang ibang klase! Hapon na kasi ang uwi namin, kaya expected ko na rin na tayuan kami sa bus, di na kami nagFX kasi mahal at tsaka matagal din ang hihintayin mo para makasakay! Ang sikip sa bus kasama ko yung classmate ko na si JL! Nakatayo na nga kami sa bus pero same price pa rin ang binayad namin kagaya ng nasa mga nakaupo! Grabe ang tagal kong nakatayo doon at nakikipagsiksikan pero medyo okay lang naman kasi may cute din na nakatayo doon! Ang cute niya, lagi nga akong napapatingin sa kanya eh, ang puti niya at tsaka ang tangos pa ng ilong! Naunang nakaupo sa akin si JL, tapos noong may dalawang mag-asawa na bumaba edi may dalawang vacant seats doon, may umupong isa, akala ko naman si cutie guy ay magpapaka gentleman at ibibigay na lang sa akin yung isang vacant na seat! Edi nageexpect ako na papaupuin niya ako! Di naman pala! Assuming! Hahaha! Nakaupo rin naman na ako noong nasa bandang Litex na ako. Ang tagal ko pa namang naghintay na may aalis para makaupo ako. Nakaupo nga ako kung kailan naman malapit na kami sa SM!

Noong nasa SM na kami sinamahan ko muna si JL na magpapicture para sa passport niya. Tapos pumunta para magtingin ng Havianas kaso naman yung super type kong slippers di kasya sa akin kahit yung biggest size nila di naman kasya sa akin. Sayang lang din tuloy yung effort kong magtravel at tumayo! Hinahabol ko kasi rin yung discount ng store, sayang! Next time na lang siguro!

Mag-iipon pa ako para makabili ako ng ipod! I like it! Itutuloy ko talaga tong pagtitipid ko. Dapat bago mag end itong sem na to may Havianas na ako at tsaka ipod! Aja!

This episode is named after a song by Paula Cole.

I Promise
Mabuti naman medyo okay na tong ngipin ko! Grabe ang pahirap sa akin nito! Halos buong linggo akong pinaparusahan nito! Over sa sakit! Doon sa may bandang wisdom tooth ko yung diperensya, namamaga siya, ewan ko ba kasi parang may mali sa pagtubo niya di ko lang alam kasi naman noong nagpadentist kami noong nandito pa si mommy, wala naman sinabi yung dentist na may diperensya or mali sa ngipin ko. Grabe ang pahirap nito sa akin, di ako nakakatulog sa gabi dahil sa sobrang sakit niya pati na nga rin yung ulo ko sumasakit, affected na sa toothache ko! Di na nga ako masyadong makapagdaldal sa school dahil dito! Pahirap talaga! Kinarma na naman siguro ako, may fault rin naman ako kasi to tell you the truth, di talaga ako kasi nagtotoothbrush sa gabi bago matulog! Nakakatamad kasi pero nagtotoothbrush naman ako sa umaga bago pumasok ah sa gabi lang talaga ang hindi! Hahaha!

Kaya naman sana magtuloy tuloy na tong recovery ko from this parusa! At talaga namang pag umayos na tong ngipin na to palagi na akong magtotoothbrush bago matulog! Ngayon alam ko na ang hirap! Para di ko na maranasan to!

Habang nakaupo ako sa jeep kanina papuntang bayan sa kalagitnaan ng traffic may mga naisip akong bagay bagay. Dati noong bata ako lagi kong sinasabing gusto ko maging isang good role model para sa mga youth, naisip ko naman isa nga ba akong good role model ngayon? Hindi! Kasi naman isa akong taong palamura, tamad, mahilig mangopya, ni hindi man lang ako magsimba every sunday. Naisip ko tuloy dapat magbago na ako! Kailangan ko ng tanggalin ang pagmumura ko at dapat na nga akong magsipag sa pag-aaral at dapat marunong na ring magtipid, di na ako dapat gastos ng gastos! Dapat magsimba na rin para magpasalamat sa lahat ng mga blessings na natatanggap ko araw araw!

Namimiss ko na rin si mommy and daddy! Lalo na kapag yung ulam namin may taba, yung taba hinahagis ko sa plato ni daddy kasi ayoko kumain ng taba eh! Tapos namimiss ko din yung kapag nag-aasaran si mommy and daddy!

Sana masaya ang pasko namin this year, kahit nasa HK si mommy. Malapit na rin naman na yung graduation, ako naman ang maglilingkod sa kanila. Di na nila kailangan magpakahirap at magtrabaho sa malayo.

Itong blog title na kinuha ko from a song title is very memorable. Yung song kasi reminds or brings back memories. Favorite namin to ng friend ko na nasa Canada ngayon, at tsaka parang itong sa to yung lagi naming kinakanta ng mga highschool friends ko, ang ganda kasi ng meaning ng kanta. Namimiss ko tuloy sila, namimiss ko tuloy yung highschool.

This episode is named after a song by Stacie Orrico.

100%
May pasok na naman bukas! Second week ko na to for my second semester for my 3rd year in college! Mukhang magiging masaya naman ako this sem, walang masyadong mga pamatay na prof, hindi ko prof ngayon si terror prof, so wala akong dahilan ngayon na maging nerbiyoso, wala yung mga taranta moments namin and yung praying while on class para di matawag sa recitation kay terror prof. Kaya ang ibig sabihin nito medyo makakahinga ako ngayong semester na ito.

Maganda din itong sem na ito dahil wala akong pasok tuwing saturday! Kaso ang masama lang prof ko pa rin yung prof ko tuwing saturday last sem! Yung nagbigay sa akin ng 3! Yung matanda na di ko ba alam kung nanghuhula nga lang ba ng grade yun! Nakakainis naman kaya nga habang maaga nagreready na ako sa kanya at di na ako nag-eexpect na makakakuha ako ng mataas na grade doon! For sure 3 na naman ang ibibigay nung matandang yun! Maganda na sana itong sem na to! Panira talaga yun! Okay naman yung mga ibang prof ko, yung prof ko last sem na nagbigay sa akin ng 1.25 ay prof ko pa rin ngayon. Tapos may prof naman kami sa computer na over sa pagkahigpit, para kaming highschool, bawal ang may earings sa loob ng class niya, kailangan pa ng excuse letter kapag nag-absent sa kanya, pero mukhang mabait din naman siya kaya okay lang din! Tapos may prof pa kaming newly graduate lang sa school namin at parehas pa kami ng course so that means medyo kilala ko siya sa mukha! Okay naman siya, mabait at sa tingin ko cool siya! At kahit medyo bata, talagang mafefeel mong magaling siyang magturo ng nihonggo! May prof pa kaming mahilig magjoke sa class kaya di masyadong boring, yun nga lang wala pa kaming masyadong nasisimulan sa lesson dahil mahilig siyang magjoke ang magkwento mahirap pa naman daw magpa exam yun pero mabait din. So that means, walang terror prof ngayong sem! Salamat naman! Makakahinga ako ng maayos ngayon, panira lang talaga yung matanda kong prof! Tsk!

Isa pang maganda this sem ay yung maaga kong uwi! Di kagaya last sem na hanggang 7:30 ako sa school, ngayon hanggang 5 lang uwi ko! Maabutan ko panigurado yung mga teleserye lalo na yung favorite ko ngayong PBB! Hahaha!

Kakayanin ko na lang talaga this sem! Kahit prof ko yung matandang nagbigay sa akin ng 3, gagawin ko na lang lahat ng magagawa ko magkaroon lang ng magandang grades this sem, at sana this time maging scholar ako! And I promise na talaga this time na ibibigay ko ang 100% ko in everything I do!

I'am a 100 percenter!

This episode is named after a song by Mariah Carey.

I'm Not Missing You
Hay naku! Nakakainis naman! Nagkaka crush na naman ata ako doon sa friend ko noong highschool pa lang ako! Nakikita ko kasi siya ngayon ng medyo madalas sa school namin ngayong college! Crush ko siya noong highschool kami kasi cute siya, magaling sa sports, mabait, matalino at tsaka pamatay ang pagiging gentleman niya at tsaka masaya siyan

g kasama! Tapos kinikilig pa ako sa kanya kapag nang-aasar siya, lagi kasi akong inaasar nun eh kahit ngayon simula pa yan noong highschool pa lang kami. Namimiss ko tuloy yung highschool!

Minsan nga naiisip ko sana maging magclassmate kami ngayong college para masaya naman at makasama ko ulet siya sa class. Pero di pa rin pwede kasi may girlfriend na siya eh, kaya dapat itong feeling na to ibaon na sa limot! Hahaha! Dapat itigil na ito! Pero ewan ko ba bakit ganun, kapag nasa school ako para bang hinahanap ko siya at talagang tumitingin ako sa paligid na sana makita ko siya para makakwentuhan ko ulet siya! Pero dapat ng matigil ito! Sa ingay ko ba naman na to, ewan ko lang sa kanya kung naiinis siya o baka ayaw na niya ako makita dahil nga ang ingay ingay ko at puro kadaldalan talaga ako kapag nakikita ko siya! Baka naiirita na yun kaya dapat magbehave na ako at magtigil na ako!

Marunong na ako ng effect dito na yung kapag nagclick mapupunta ka sa ibang site! Ang gusto ko kasing gawin dito sa blog ko dahil nga yung mga blog titles ay kinuha ko from song titles, gusto ko sana mapakinggan din ng mga readers ng posts ko, kung meron man, na mapakinggan nila or madownload din yung song na pinagkuhanan ko. Hindi lang stories ang shinishare ko dito sa blog ko pati na rin yung isa sa mga pinaka importante sa life ko, ang MUSIC!

Sobrang music lover kasi ako talaga! Kapag malungkot ako, makikinig lang ako ng music medyo mawawala na ang lungkot ko! Mesa EMO ako. Pero di naman sobra! Hehehe! Kaya naman, mapapakinggan or madodownload din niyo yung mga music from my post titles, i-click niyo lang yung name ng artist na nakabold sa ibaba nitong post na ito at sa mga susunod kong post. Okay ba?

This episode is named after a song by Stacie Orrico.

S.O.S. [Let the Music Play]
May pasok na naman bukas! 3rd year second sem officially starts tomorrow! I think ready naman ako! Pero kung okay lang sana wala pang pasok! Hahaha! Parang di ko ramdam yung sem break, nakakainis naman kasi yang pabigat na enrollment! Goodluck na lang sa akin this sem! Another rollercoaster of events na naman panigurado to! At syempre patuloy pa rin ako dito sa pagboblog ng mga events na yun! Let the music play!

Goodluck sa akin talaga ngayong sem! Kakayanin ko to! Fighting!

This episode is named after a song by Jordin Sparks.

On and On
Finally nakapag enroll na rin ako sa wakas! Salamat naman! Nadagdagan ko na rin yung isang subject na kailangan ko para masabing 21 units ang kinuha ko ngayon! Pero di naman biro ang pinagdaanan ko kanina ah! Grabeng pahirap sa akin para lang ma-add ko yung isang subject na yun! Kung anu-ano ang ginawa ko at kung saan saan pa ako pumunta!

First pumila ako para cashier para i-pareprocess yung mga subjects ko para ma-iadd ko yung kulang kong subject. Nagbayad pa ako ng Php 50 doon! Tapos noong bumalik na ako sa room para mag-encode ng grades yung babae na pinakitaan ko ng resibo na magpapaprocess ako bigla naman niyang prinint yung schedule ko kahit wala pa akong nadadagdagan! Di pa ako nakakapag-encode prinint na niya! Kaya naman ayun, noong bubuksan ko na yung site para makapag enroll ako online, wala na sabi already printed na at kailangan ko na daw magbayad! Kaya sinabi ko sa babaeng nagbabantay doon! Tapos pinapunta niya ako sa MISD para i-pacancel yung confirmation ko na magbabayad na sa bank. Noong okay na at napacancel na nga sa MISD balik na naman ako pag-encodedan tapos noong bubuksan ko na ayaw na naman! Proceed na daw sa bank para magbayad! Balik na naman ako sa MISD para tanungin kung bakit nga ba ganun! Tapos parang naiinis na ata yung babae dahil pabalik balik ako! Nakasimangot na siya! Tapos sabi niya cancel na daw yung confirmation at pwede na akong makapag-add ng subject! Balik na naman ako sa pag encodan para i-try ulet! Noong umupo na ako para mag-encode, talagang napadasal ako na sana okay na siya at makapag encode na sana ako! At finally naman nabuksan ko siya at nakapagdagdag na ako ng subject! Tapos pipila pa ako para magbayad sa cashier ng pagkahaba haba! Pero sa bank na ako nagbayad para naman naka aircon kami habang naghihintay!

Biruin mo naman from second floor to ground floor, pabalik balik ako! Nakakapagod naman yun di ba? Para lang sa isang subject kung anu-ano ang inabot ko! Grabe naman talaga yan! Nakakainis! Pero at least complete na ako ng 21 units! Thanks po!

Ayaw ko ng maranasan ang ganito! Ang laking pinsala at kabang ibinigay sa akin niyan!

Sa monday na ang pasukan! Another chapter na naman ito ng buhay ko! Hehehe!

This episode is named after a song by Utada Hikaru.

Smoke + Mirrors
Ang bigat ng feelings ko ngayon! Parang wala akong gana o kung ano man. Dahil na rin sa maraming kadahilanan!

Enrollment
namin ngayon, at ayaw ko talaga sa lahat ay ang enrollment na yan. Iba
kasi ang enrollment sa highschool and college, syempre mas komplikado
ang sa college. Sa highschool kasi ibibigay mo lang yung pera ayun na
tapos na enrolled ka na! Ngayon sa college, grabe ang pahirapan!
Kailangan pang mag-encode ng subjects at kung anu-anong pag-aadjust sa
mga schedules! Mahirap talaga siya! Talagang sinusukuan ko yang
enrollment na yan! Kung pwede lang na sana ibigay mo yung pera at uwi
na agad! Parang ang sakit pang pagmasdan yung pera na kapag ibabayad mo
na, parang pumapasok sa isip ko na sana libre na lang ang pag-aaral!
Asa naman yun di ba?

Nagkaproblema pa ako diyan sa
pag-encode na yan! Nakakainis! Di ko nailagay yung isang subject namin,
computer subject yun! So imbes na 21 units lang kami naging 18 units
lang tuloy! Kailangan ko pang mag-add ng subjects bukas, kailangan ko
pang bumalik! Di ko na siya inasikaso ngayon dahil sa sobrang haba ng
pila! Nakakainis kailangan ko pang bumalik bukas imbes na okay na sana
ako ngayon at pahiga higa na lang o kaya kung natapos na sana ngayon
edi sana makakauwi ako ng Zambales bukas.

The hardest
part sa nangyari ngayong araw na to ay kailangan kong magsinungaling sa
mommy ko. Ang sama ko di ba? Sinabi kong enrolled na ako at kailangan
ko lang bumalik bukas para kunin yung discount dahil sa nagbayad kami
ng full! Ewan ko ba bakit di ko masabing di pa ako enrolled, kasi alam
ko mag woworry yun at magtatanong kung bakit di pa ako enrolled, ang
hirap naman kasi magexplain na kesyo nakalimutan kong mag-encode ng
isang subject at kailangan ko pang mag-add ng isa at kung anu-ano pang
dapat gawin. Naiinis ako sa sarili ko talaga sobra! Bakit naman kasi
naclick ko na yung finish kanina di pa complete yung mga subjects ko!

Tapos
eto pa, kailangan ko na naman magsinungaling about sa mga grades ko,
nakakuha ako ng dalawang 3 this semester pero ang sinabi ko sa kanya
2.50 ako sa mga yun at hindi 3. Ang hirap nun, a part of me gustong
magsabi ng totoo at gusto din magsinungaling. Pero ang pinakamahirap
doon ay nagsisinungaling ako sa mommy ko. Ayoko kasing malungkot siya
pero mas malulungkot siya alam ko kapag nalaman na niya to someday. Di
ko talaga alam ang gagawin ko. Gusto kong umiyak. Tapos sabi pa niya
okay lang daw at galingan ko na lang daw next semester. Noong sinabi
niya yun talagang bumigat talaga tong pakiramdam ko.

Ang sama sama ko di ba? I'am a liar! Liar! Liar! Liar! Liar!

Babawi
na lang ako this semester. Promise yan. Medyo gasgas na tong lines na
to, pero kailangan kong makabawi, pambawi ko din sa ginawa kong
pagsisinungaling!

This episode is named after a song by Skye Sweetnam.

Secrets
Hay grabe nakakainis yung mga grades ko ngayon! Dalawa ang 3 ko! Ineexpect ko naman na talagang mababa ako sa dalawang subjects na yun dahil talaga namang mababa magbigay ng grade yung dalawang yun! Pero di talaga sila makatarungan, take for example yung class ko every saturday never pa ako umabsent doon ah, may report ako sa kanya kahit 73 ang grade ko na much better naman sa grade na 50! Tapos kapag exam naman talagang may kodigo pa ako, take note kopyang kopya ko pa sa kodigo yung mga sagot ko ah, maganda pa yung sulat ko sa mga essay type niyang mga exams! Pero ano ang grade ko? Isang malaking 3! Kung hindi ba naman magaling manghula yung amoy lupang yun! Ano ba ang gusto niyang sagot sa essay niya. Nakakainis pa siya dahil magreview ka man o hindi 3 ang grade mo sa kanya! Siya kaya sumagot ng essay niya! Bwiset talaga ako sa matandang hukluban na yun! Sana di na siya magturo! Sana umalis na siya! Sana magretire na siya!

Pero eto pa ang malupit sa matandang hukluban, yung isang classmate ko sa saturday class na pala absent nakakuha pa ng 2.50 sa kanya, parehas lang naman kaming umaasa sa kodigo! Ano ba naman ang meron doon at ganun yung hukluban na yun! Paano ba yun mag grade? Nakakainis! Nagpakita kasi ng legs ang gaga noong last day namin kaya siguro nasilaw yung prof namin, aba kung ganun lang ba ang batayan ng grade niya sa naghubad na ako baka maka 1 pa ako sa kanya! Napaka burden talaga ng hayop na yun! Major subject pa naman namin yun!

Isa pa yung sa tech write namin, nakakainis din yun kung magpabigay ng exam! Ang hirap niya magbigay ng exam sa totoo lang! Sabi niya dadalian niya ah, pero puro kalechehan lang naman pala yun! Ang hirap pa rin ng exam niya! Ayun 3 tuloy ang grade ko sa kanya! Pero keri na yun, kasi nagbibigay ng 4 yung gagang yun! Minor subject lang naman siya.

Mga tinik sa dibdib yang dalawang yan. Ang masama pa diyan prof ko ulet si matandang hukluban next sem! Ayoko na siyang makita!

Eto pa ang masama, hanggang ngayon di ko pa nasasabi sa mommy and daddy ko ang grades ko. Magugulat talaga sila kapag sinabi kong dalawa ang 3 ko! Sino ba naman ba ang hindi? Paano ko ba to sasabihin? Kailangan sabihin ko na, hanggang ngayon tinik sa dibdib ko pa rin yan. Ayoko naman magsinungaling! Nakakainis! Please help me Bro. Kaya ko to. Kakayanin ko to.

This episode is named after a song by One Republic.

Running
Grabe talaga yung adventures namin noong saturday! Sobrang daming nangyari in just a short period of time! Kumabaga napaka super fun packed day niya.

Saturday kasi yung scheduled day namin for swimming namin together with my college friends kaso kailangan pa rin namin pumasok ng school para magtake ng last exam namin, ang aga pa naman ng class namin tapos yung swimming na sa gabi pa. Bale halos buong araw akong gising noong saturday, gumising ako ng 5am at umalis dito sa bahay ng mga 7am just to make it on time lagi pa naman kasi akong nalalate doon sa class na yun, baka naman kasi mamaya niyan natapos na silang lahat sa exam ako nagsisimula pa lang dahil nalate ako.

Ewan ko na lang ah, kung di ko pa maperfect yun, kopyang kopya ko na sa kodigo yung mga sagot ko doon, kapag ako nabigyan pa ng 3 diyan ewan ko na lang, maisusumpa ko talaga yung prof namin! Nagpicturan na muna kami doon at naghintay pa sa mga iba pa naming kasama. Habang yung mommy ni KF biglang tumawag at di pa pinapayagan itong si KF para sumama sa swimming. Tapos itong si gaga pinakausap pa sa akin yung mama niya para na hotseat ako, tinanong tanong ako, nauutal pa nga ako eh kahit tinatanong lang ng mama niya kung saan kami magsuswimming. After mag-usap sa phone, biglang nagbreak ng news itong si KF na kailangan namin pumunta doon sa bahay nila para ipaalam ang bruha! Ang layo pala ng bahay niya, sumakay kami ng LRT magkakasama kami nila KF, CB, MV, JL and ako. Bumaba kami sa Santolan station, grabe ang amoy doon. Ang baho, parang amoy patay na tao or baboy dulot ng bagyong Ondoy malapit rin kasi yun sa river. Tapos nag FX pa kami kaya medyo malayo nga talaga siya.

Pagdating namin doon sa bahay nila KF, ayun kabado kami kasi mukhang masungit yung mama niya, pinasulat pa nga kami sa paper ng address namin pati na rin yung cellphone number namin, tapos yun kain kain na dahil sa sobrang gutom. Noong pagkatapos naming kumain bumulong itong si KF na iinterviewhin kami ng mama niya na nakaupo sa sofa nila kaya ayun natataranta na naman kami nila MV kung babalik na ba kami sa sofa sa may salas nila at nagtuturuan pa kami kung sino ang mauuna doon. Akala mo may recitation kami kay terror prof eh. Pero di naman kami nainterview ng mama ni KF at umalis na rin kami.

Balik ulet kami sa LRT, kaso humiwalay na muna itong CB dahil may pupuntahan pa siyang birthday kaya kami na lang nila MV, JL and KF na rumampa sa Cubao. Another adventure na naman ito para sa amin! Naghihintay kami ng bus papuntang Novaliches na kokonti lang noong mga panahon na iyon, pero ng may dumating na di ko na pinaglagpas yung chance na makasakay noong dumaan yung bus sa harap namin na medyo mabagal naman umakyat ako agad, tapos magugulat na lang ako na di pala nakasabay yung mga babae! Nandoon sila naiwan! Ako lang talaga ang nakasakay! Nang tumingin ako sa kanila talagang nakakaawa yung mga mukha nila! Kaya naman noong sinabi kong bababa ako doon sa conduktor sinabi naman niya na di pwedeng bumaba doon, naisip ko naman na maupo na lang at ako na lang mag-isa ang magbyahe kaso naman nakakaawa yung tatlo kaya noong huminto yung bus bumaba na ako at dali daling tumakbo doon sa pinaghihintayan namin hoping na sana nandoon pa sila. Nandoon pa naman yung tatlo at super pa sa kakatawa yung mga gaga. Ayun sa wakas nakasakay rin naman kami ng kumpleto.

Bumaba na kami doon sa subdivision pero si JL kailangan pang pumunta ng Robinsons para tulungan yung mama niya at para magpaalam na rin, pumunta kami doon sa bahay ni TT at kung anu-ano na pinaggagawa namin, kumain, nagsaya at naghintay ng oras para makapagswimming na!

Noong time na nga pumunta na kami sa Holy Cross para hintayin yung dalawa si JL na galing pa ng Robinsons at si CB na galing pa ng birthday, naunang dumating si JL tapos hinintay namin itong si CB na matagal bago nakadating. Pero at least nakarating siya, kaya naman noong pagkadating niya wala ng tumpik tumpik sumakay na kami ng tricycle at ayun na nasa Remedios na kami.

Syempre super kami sa swimming dahil kailangan na munang mag-enjoy at alisin ang stress after ng finals exams na yan. Super sa langoy at sa tawanan at kainan.

Tapos habang everbody's having a fun may isang lalaki na lumapit kay CB na niyaya na tumabi doon sa kanya doon sa mga lalaking naglalasingan or something, gusto pa atang gawing table itong si CB pero syempre di siya pumayag. Pero nakakatakot yun ah kasi member ata yung ng isang frat. Dahil sa pangyayari napaaga yung uwi namin dahil mahirap na baka di sila umalis hangga't di kami umaalis at kung ano pa ang mangyari. Pero noong paalis na kami yung group nila parang nagreready na ring umalis. Noong lumabas na kami at nagtawag na rin ng tricycle, lumabas din yung lalaking yun na may kasama at nagtawag din ng tricycle at may pupuntahan ata. Nakakatakot yun ah, paano kung sundan kami? Nauna naman umalis yung mga lalaki at iba naman yung way nila pero nakakatakot talaga sila parang ayaw nila magpaawat.

Noong makarating naman na kami sa kanto, naglakad na kami papunta sa subdivision nila TT habang nag-uusap kami, itong si TT nagsabing may away daw, ako rin nakita ko may nagkakagulo at may nakita akong lumilipad na bato! Tapos ang narinig ko na lang takbo! Kaya naman ako tumakbo nga, talaga kumaripas ako sa takbo! Kasama kong tumakbo sina AH, MV, JL! Itong si AH naiwan pa nga yung tsinelas niya natanggal sa paa niya kaya tumakbo siyang nakayapak! Takbo talaga kami, narealize ko na 4 lang pala kami at naisip ko na lang na baka nagkahiwalay hiwalay kami, kasi noong tumakbo kami tumatakbo din yung mga lalaki same way ng sa aming apat kaya naman mabilis talaga kami tapos yung mga lalaki may sinakyang jeep. Kami naman tumigil sa may Burger Machine na stall. Akala ko di na ako mabubuhay after ng experience na yun sobra talaga nerbyos ko! May dala dala pa akong mga basang damit noon ah, ang bigat noon! Pero di ko yun ininda! Makatakbo lamang! Si MV nga sobrang nerbyos ay naiyak na.

Tapos noong naglalakad na kami pabalik nakita namin yung mga friends namin ayun nagsisipagtawanan ang mga walang hiya, dala yung tsinelas ni AH. Hehehe. Pero noong malapit na kami sa subdivision ni TT nandoon yung group na nakikipagbatuhan paatras na naman kami noon kasi may isang lalaki doon na manunugod siya, nakakatakot kasi maybuti na lang may pulis doon na sinasabing ibang group kami at di kami kasama sa mga batuhan drama nila. At mabuti na lang itong si TT may kakilala doon sa mga lalaki na classmate niya noong elementary pa! Kaya sinabi na pwede na kaming dumaan at di kami kasama sa kaaway nila. Tapos meron pa doon na nakangiti sa amin at humingi na pasensiya. Parang di ako nakahinga noon while crossing.

Pagkadating sa bahay nila TT yun ang number one topic pati na rin yung pagtakbo naming 4 at ako na nangunguna sa lahat! Hahaha! Nakakatakot talaga yun, sobrang ibang experience!

After ng kwentuhan ayun nagsipagtulog na rin, pero di ako masyadong nakatulog kasi namamahay ako sobra. Hehehe! Maarte eh. Chos!

Ano swimming ulet? Hahaha!

This episode is named after a song No Doubt.

Leave Me Alone (I'm Lonely)
I don't get it, why am I feeling this way. I feel empty, parang ang lungkot lungkot ko even though wala akong dahilan para malungkot. Bakit naman ganito. Sinusumpong na naman ba ang ka-emohan ko? Kasalanan mo tong lahat P. Sawyer! Sana umalis na tong emo feelings na to. Mag evaporate na!

Dapat nga magsaya ako kasi birthday ng anak ni CM, first birthday niya! Nagsaya naman ako, kasi kahit papaano kasi nakita ko ulet si bestfriend. Namiss ko siya, at ganun palagi pa rin niya akong inaasar at mahilig din siya sa One Tree Hill ah. Hay, emong emo ako.

I need music now! I need loud music!

This episode is named after a song by Pink.