love back
Memorya
Patay na halos lahat ng mga ilaw.
Wala nang uniporme ang mga waiter.
Nakataob na sa mesa ang mga bangko.
Nagbibilang ng kinita ang cashier.
Baka kailangan ko na ring umalis.
Sa kabilang bar siguro siya naghintay.
Madilim na madilim ang daan sa labas.
Siya raw ang magdadala ng flashlight.
Tumayo ako at huminto sa tapat ng pinto.
Multo siguro iyong natatanaw ko sa malayo.
Hindi pa panahon para sumbatan ang mga bituin.
Trahe de bodang nagkawasak-wasak ang mga ulap.
Natutulog na siguro ang mga isda sa dagat.
Pumipikit na ang isang drayber ng trak sa antok.
May humahabi ng villanelle sa isang basement.
Kinakamot ng asong itim ang lupang malambot.
May paslit na nagbibilang ng maryakapra.
Pero wala ito sa eksena. Hindi ko ito maalala.
Lumabong bigla ang paningin ko. Ewan.
Kinusot ko na lang. Baka may makahalata.
Lahat daw tayo ay bahagi ng mga piraso.
Mga mumunting piraso na bahagi ng sanlibutan.
May natira pa yatang mga piraso niya sa akin.
Tumutubo iyon araw-araw. Hindi niya iyon alam.
Tumingala ako sa kalangitan at bumulong ako.
Sa mga anghel, pakisabi sa kanya, naghintay ako dito.
Naghintay ako dito. Naghintay ako. Pakiusap, pakisabi.
Niyuko ko ang aking mga sapatos: alin ba dapat ang iuuna.
Paghakbang ko, nagsimula akong maghiwa-hiwalay.
Tulad ng unti-unting pagkalagas ng mga bahagi ng tuyong dahon.
Sa pagsapit ng hindi mabilang na mga dapithapon.
Una, ang pisngi; pangalawa, ang mga kamay; at ngayon ang memorya.
At bigla ko itong naintindihan. Ako'y alaala lang na kanyang kinapitan.
Ngayon ay sinisimulan na niyang bitiwan. Walang pangamba.
Binuksan na niyang ganap ang kanyang mga palad.
Gusto kong magalit sa kanya. Gusto kong ibuhos ang lahat ng naipon.
Sa loob. Magmanikluhod sa nakakandado nang pinto. Pero huli na.
Natutunaw ang huli kong bakas sa dalayrayan ng liwanag.
At hindi ko alam kung saan ko siya matatagpuan.
One Night Only
Bumukas ang aking mga mata
sa kalatog ng mga kaldero.
Nilingon ko ang huli kong katabi kagabi.
Naroon pa siya. Napangiti ako.
Naaamoy ko pa sa kanyang hininga
ang binalasa naming erbi.
Gusut-gusot ang kumot---
siguro iniukit niya roon ang kanyang lungkot
habang ako'y natutulog.
Maingat ko iyong itinakip
sa hubad niyang balikat.
Gusto ko siyang itali sa aking yakap,
gusto ko siyang ikandado sa aking mga halik;
ideklarang akin siya.
Ngunit ang puso ko ay isa lang sa mga bato
at ang puso niya ay tubig na umaagos
sa sanga-sangang mga ilog ng mundo.
Kininis niya ako pero hindi siya mananatili
para gawin akong diyamante
kahit ipagpilitan ko ang aking sarili
para baguhin ng mga kamay niya.
Nagliyab ang kurtina
sa puluhan ng aking kama
pero hindi niya iyon nakita.
Kaya't lihim ko siyang binulungan
ng "Isinusuko ko sa iyo ang tiwala ko."
baka sakaling dito na siya mananghalian.
Baka sakaling maisip rin niya bago siya umalis
na iwan ako ng kasiguruhan,
kahit pabiro lang, na ako'y kanyang babalikan.
pumapatak na mga butil ng ulan mula sa langit
nakatitig lang ako sa iyong mga matang nakapikit
"Without You" ni Charlie Wilson sa compaq disk
nakatitig lang ako sa iyong mga matang nakapikit
namamangkang manlalakbay sa ilog ng daigdig
nakatitig lang ako sa iyong mga matang nakapikit
tamis ng liwanag at mithi sa paghihimagsik
nakatitig lang ako sa iyong mga matang nakapikit
habang ang sanlibutan ay panakaw na umidlip
nakatitig lang ako sa iyong mga matang nakapikit
balikat mong sa balikat ko nakahilig
nakatitig lang ako sa iyong mga matang nakapikit
ngiti nang iyong nuo'y dapuan ng aking halik
nakatitig lang ako sa iyong mga matang nakapikit
buntonghininga mong bendisyon ng bawat saglit
nakatitig lang ako sa iyong mga matang nakapikit
talukap mong takipsilim ng bawat mangingibig
nakatitig lang ako sa iyong mga matang nakapikit
Stranded Blues
Gusto ko sanang tumula ng kaluwalhatian
tulad ng "Natutulog ang planetaâ
(habang nakasilid sa kahon ang mga ulap)
kislap ng mga tala'y tila orkestra,
at ang buwan, ang mahiwagang dalagang
ang ngala'y Mayari, ay naglugay ng kanyang buhok
sa kalangitan."
Gusto kong ititik ang lahat ng ito bago
umalpas ang haraya ng kaluluwa
sa pakpak ng mayang dumapo sa aking bumbunan
habang bumubuhos ang ulan;
bago mabura ang aking mga alaala.
Gusto ko sanang tumula ng kaluwalhatian
tulad ng "Sa gitna ng dilim tayo'y nagtatalik
habang ang ilaw sa gasera'y pumipikit-pikit;
apoy na nagniningas ang aking mga halik."
Libre ang mangarap
Tulad ng talinhagang iniluluwal
ng paghihintay sa pagbukang-liwayway/
Libre ang lumipad sa ibabaw ng mga bungo
Umawit ng 'Magtanim ay di biro'
pagkatapos marikisa ng mga bala
ang mga trabahador sa asyenda
at isang reporter sa malayong probinsiya.
Isa na naman itong tulang nalunod sa baha.
Pangungulila
Ang kalapati, sabi nila, kailangang ikulong sa bahay nya ng tatlong buwan, para kapag lumipad na sya kasama ng iba pang kalapati ng kapitbahay, pagdating ng hapon sa iyo sya babalik.
Pero bakit ang puso ko, ikinulong ko ng anim na buwan, nang pakawalan ko hindi na bumalik sa akin?
Ang Pag-ibig ay Pagsusugal
"Every drop becomes the sea when it flows oceanward,
just as the soul ascends.."
-Angelus Silesius
Hinubad ko ang aking tuniko
Inalis ko ang aking sapin sa paa
Ibinaba ko ang aking riple
Tinanggal ko ang aking mga mata
Tumitig ang buwan sa akin
Habang sinisindihan ko ng takot
ang sukal ng dilim
sa dibdib ko.
Pumayag akong hagkan
ng isang estranghero
ang aking kaluluwa
at naglandas ang aming mga kamay,
ang aming mga labi, at kaangkinan
sa teritoryo ng bawat isa
nang may pahintulot
ng isa't isa.
Nagbuhol ang sinulid
ng damdamin sa dibdib ko
at natapong langis at pabango
ang dilim sa aking konsensiya.
Gusto ko lamang pumikit
at maglakbay sa karagatan ng malay,
walang hadlang, walang sukatan,
walang sangkalan.
Hayaan mo akong pumikit
na hindi kita nakikitang nakangiti sa akin,
na hindi ko naiisip ang iyong lambing:
Huwag mo akong suyuin sa aking panimdim.
Bawat patak ng luha ko ay aagos sa dagat ng kaluluwa mo.
Ã¢ÂÂTonight I can write the saddest linesÃ¢ÂÂ
Track 20 sa koleksyong Veinte poemas de amor
ni Pablo Neruda, bersyon ni Makoy Dakuykoy
--bersyong "walang aray!"
Kaya kong magbitiw ng bitter words ngayong gabi.
Mag-scribble-skribulan halimbawa: "Ang gabi ay pilantod
at nangangalantutay, bugbog-sarado, ang mga bituin sa malayo.
Paroo't parito ang hangin at ngumangawang parang baka.
Kaya kong magbitiw ng bitter words ngayong gabi.
Labs ko sya, at minsan daw labs nya rin ako.
Sa mga gabing tulad nito, nilalamas ko sya sa aking kandungan.
Nilalaplap ko sya sa silong ng marvelous na kalangitan.
Labs nya ko, at minsan labs ko rin sya.
Panong di ko mamahalin ang malalaki't bilugan nyang mga mata--
parang pugita?
Kaya kong magbitiw ng bitter words ngayong gabi.
Imagine kong wala sya sakin. Ma-feel kong na-lost ko na sya.
Mapakinggan ko ang gabing OA, mas lalong OA dahil wala sya.
At ang talinhaga ay dumidila sa malay tulad ng hamog sa talahib.
Ano pa bang meron dyan, Ineng, kung hindi sya mapapasaakin?
Period. Sa malayo, may ngumangawa. Sa malayo.
Aburido ang multo ko sa pagkawala nya.
At para bagang nandyan lang sya sa tabi-tabi, hinahanap ko pa sya.
Hinahanap sya ng puso ko, kapag wala sya sa tabi ko.
Ang gabi ring ito'y ngkukulapol ng dirty white sa mga troso.
Hindi na kami ang dating kaming kami.
Hindi ko na sya labs, pramis, pero labs na labs ko sya dati.
Hinahagilap ng hininga ko ang hangin para bugahan sya.
Nilalaplap na sya ng iba, tulad ng paglaplap ko sa kanya.
Ang boses nya, ang seksi nyang wankata, ang for layp nyang mga mata.
Hindi ko na sya labs, pramis, pero medyo labidabs ko pa rin sya.
Maigsi lang ang lablayp ko pero ang makalimot,
sangkatutak na 50 golden years ang inaabot.
Dahil sa mga gabing ganito nilalamas ko sya sa aking kandungan,
Aburido ang multo ko sa pagkawala nya.
Kahit ito na ang last chance ko para magmaasim
at ito na rin ang huling chuminess ko sa kanya.
[Gud lak na lang.]
Sagot ng Batis sa Alay ng Bato
Nangahas ang batong
ibigay ang buwan sa batis
ngunit ang sabi ng kasintahan,
ang hawiin mo ako
ng iyong prinsipyo
ay sapat na.
Lagi, Minsan, Kahit Kailan
Nasumpungan kong nakatali
ang aking mga paa
sa sangandaan ng kahapon at ngayon.
Kumakalat ang dapithapon
tulad ng dighay ng iyong kaluluwang
nagpatiwakal
sa aking alaala.
Ang mito mo'y natutunaw
sa liwanag ng aking mga mata;
ang buhay ko'y kalawakang natatapos
sa dulo ng isang buntonghininga.
</f>
Sa Pagitan Natin
Habang nakalambong sa atin ang dilim
tinanong mo ako, ang ako sa loob ko
kung bakit kumakampay ang mga dahon
kung bakit umiiyak ang mga bato
kung bakit matamis ang halik
kung bakit mainit ang aking mga yakap
kung bakit nasumpungan mong nakatali
ang iyong mga kamay sa aking mga kamay
kung bakit nangyayari ang mga pangyayari
at nagaganap ang kaganapan ng mga bagay
batay sa kanilang kahandaan, at hindi sa atin
kung bakit mapangahas ang madaling-araw
at kung bakit umulan ng ako ay umalis.
Tinutop ng iyong mga daliri
ang mga hibla ng aking buhok,
ang aking mga kilay at pilikmata,
ang paligid ng aking mga labi
nagbabakasakaling makita mo ang sagot
sa lahat ng ito, mabasa sa anyo ng aking mukha
kung paano ko bitiwan ang aking takot
sa gabing katumbas ng isang libong gabi
na ikaw ang kaharap ko, at hindi sila
at ako ang kaharap mo, hindi isa man sa kanila.
Nagaganap ang kaganapan ng mga bagay
batay sa kanilang kahandaan
katulad nito, nagsasayaw man ang laksang
abo ng pagkalito sa ibabaw ng ating balikat
at nakikiusap ang iyong isip sa iyong puso
upang hindi mabuksan ang mga nakapinid
upang hindi mabaklas ang mga itinayong pader
gayong nakikita natin ang isa\'t isa
lagus-lagusan, sa pinag-isang kaluluwa.
Sinasabi ko sa iyo ngayon
na malalaman mo ang sagot kapag ikaw ay umibig.
Willfully, I look for you
you come flying in my dream like a feather,
your fist is a sledgehammer beating me
breaking me and dismembering my memory
like a handful of sand dissolving in your hand.
where do i find you, secret leaf?
you come swaying in the wind like a dancer,
your eyes are the twilight of Death
waiting for me and piercing through my memory
like a knife of darkness covering your face.
where do i find you, mortal shadow?
you come sifting my ribs like a finger
your thoughts are the voices of angry comrades
marching in the streets, writing poetry
like a storm shaking the age with its might.
willfully, i looked for you inside this body,
this soul that spreads at a drop of fire.
you came to me and you found me trembling
did i invent you with my sorrow
or you took me in your breadth?
because your nails scratch my heart
and your florescence flare up my passion.
where do i find you, mortal lover?
if you exist inside me, then, willfully, you do not exist.