Ang Journal ni Julius

Futuristic Mind
Sa isang di maipaliwanag na kadahilanan, hindi ako makatulog. Medyo, mahaba-haba pa naman ang gabi, kaya magbolahan muna tayo ng konti. Ise-share ko sa inyo ang isang kuwento para sa mga taong “futuristic” kung mag-isip. Hindi ko tinutukoy ang mga matatalinong pilosopo, mga dakilang siyentipiko, mga malikhaing imbentor, o kahit yung si Temyong na may sayad duon sa may kanto namin na nag-aangking siya ang may akda ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Well, sabog lang yun.

O sige uumpisahan ko na ang kwento. Tungkol ito sa tatlong lalaki na naghihintay sa may bus stop. Magkakatabi silang nakaupo sa isang bench. Bigyan natin ng pangalan ang mga tauhan sa kwento.  Una ay si Domeng, nasa mga edad 40. Pangalawa ay si Badong na mga nasa edad 20. At ang pangatlo ay si Julius, 26.

Habang naghihintay ng bus, ang bawa’t isa ay may kani-kaniyang pinagkakaabalahan. Si Domeng ay nagbabasa ng “Philippine Daily Inquirer”. Si Badong naman ay nag-aabang ng magagandang chicks na dumadaan habang naglalaro ng games sa cellphone, para nga naman hindi halata ang kanyang kamanyakan. At si Julius naman ay nagmamasid at pinag-aaralan ang kilos ng dalawang lalaki, at baka sakali ay may maisulat siya sa kaniyang mahiwagang blog.

Napansin ni Domeng si Badong sa kaniyang ginagawang pagnanasa sa mga chicks na naglalakad sa harap nilang tatlo. At sa bawat babae na dumadaan, nagbibigay ng kumento si Badong ng pabulong. Napapailing na lang si Domeng. Pagkalipas ng ilang minuto, naki-usyoso naman si Badong sa binabasang diyaryo ni Domeng. Kaso mukhang hindi naman na-gets ni Badong ang binabasa ni Domeng kaya ibinalik na lang niya ang kanyang tingin sa mga chicks na dumadaan.

Medyo matagal dumating ang bus. Hindi na mapakali si Badong, sabay kuha ng kanyang cellphone, nag-text, at napasigaw ng, “Nakam@#$%^&hhh naman o! ” Pagkatapos ay tinapik niya si Domeng at nag-request ng ganito, “Kuya, kuya, kuya! Pwede po ba maki-text? Naubusan po kasi ako ng load eh! Important lang poh kuya!” Dedma lang ‘tong si Domeng. At dahil tablado si Badong, si Julius naman ang pinagdiskitahan niya. Ganito naman ang naging pag-uusap nila.

Badong: Pre! Pwede magtanong? ‘nung oras na?

Julius: Five minutes before 3 PM.

*Napatingin si badong sa sahig at nag-isip ng malalim, sabay humirit ng ganito…*

Badong: Pre, baka naman pwede ko maki-text? Importante lang talaga.

Julius: Ay sorry pre, empty na ako eh.

*Nagsalubong na ang kilay ni Badong sabay lumayas dahil tablado siya sa kanilang dalawa ni Domeng*

Nang makalayo na si Badong, biglang natawa si Domeng at kinausap si Julius.

Domeng: Hahaha! Buti nga sa kanya! Tama ang ginawa mo.

Julius: Bakit naman po?

Domeng: Alam mo ba kung bakit di ko siya pinahiram ng cellphone?

Julius: Ah, oo nga po eh, mukhang snatcher ang isang yun.

Domeng: Hindi naman sa ganon. May iba pang dahilan.

Julius: Eh ano naman po iyon?

Domeng: Ganito, makinig kang mabuti. Kung pinahiram ko siya ng cellphone, pwedeng pagkatapos nun eh magkausap kami ng matagal at maging magkaibigan kami. ‘Pag naging magkaibigan kami, pupunta yun sa bahay namin. ‘Pag nagpunta siya sa bahay namin, makikilala niya ang anak kong babae. ‘Pag nakilala niya ang anak kong babae, magiging magkaibigan sila. ‘Pag naging magkaibigan sila, magkakatuluyan sila. ‘Pag nagkatuluyan sila, magiging mag-asawa sila. ‘Pag naging mag-asawa sila, eh kawawa naman ang anak ko! Pambili nga ng load wala siya! Eh, ano pa ang ipapakain niya sa magiging pamilya nila?

*Napatahimik na lang si Julius at sumang-ayon na lang*

Dugtong pa ni Domeng, “ At ikaw na rin ang nagsabi na mukha siyang snatcher! Kaya bakit ko siya ie-entertain?”

May point nga naman si Domeng.

Mabuhay Ka Manong Vendor! Isa Kang Tunay na Bayani
“Crackers! Chicharon! Kropek! Pugo! Itlog! Mani! Kendi!”, pamilyar ba sa inyo ang mga salitang ito? Saan ninyo ito madalas madinig? Oo tama! Kadalasan sa loob ng mga bus. Dialogue ito ng mga kababayan nating street vendors.

Noon, tuwing umaakyat sila sa loob ng bus, naaasar ako. Bukod sa pagiging maiingay at nakakairita, madudumi ang itinitinda nilang mga pagkain. Bakit kamo? Eh kasi naman, laging nauusukan ng mga  tambutso ng sasakyan ang mga paninda nila. Hindi lang yun, maghapon silang nakabalandra sa kalsada kaya hindi maikakaila na sobrang dami nang alikabok ng lansangan ang humahalo sa mga pagkain na nasa loob ng basket nila, kahit na sabihin mo pang may plastic cover naman yun. At ang pinaka-the best, hindi lang dahil sa nadudumihan ng paligid ang mga paninda nila, kundi madumi din ang pagkakagawa doon, lalo na yung mga “fish crackers” kung tawagin.

Sinabi ko pa nga sa sarili ko noon, “Sana magkaroon ng batas na ipagbawal na ang mga street vendor”. Dahil sa hindi lang nila isinasapanganib ang kalusugan ng iba, kundi pati na rin ang sarili nila. Madalas sila sa kalsada, sa kalagitnaan ng rumaragasang mga sasakyan. Eh kung masagasaan sila? Sasagutin ba sila ng mga motorista? Baka ang mga vendor pa nga ang sisihin sa aksidente. Marami pang ibang dahilan.

Magkagayon, dahil sa pangyayari ngayong araw, tila naantig ang aking damdamin at nagbago ang aking mga pananaw at saloobin tungkol sa mga street vendor na ito. Simple lang naman ang nangyari.

Nagpunta ako sa CCP para manood ng concert ng Philippine Philharmonic Orchestra (PPO). Nagmadali ako umalis ng bahay kaya hindi nako nakakain ng dinner. Balak ko sana na yayain ang mga kasama ko na kumain muna ng hapunan pagkatapos ng concert pero tila nagmamadali na silang umuwi. Alas diyes na rin ng gabi, kaya umuwi nalang din ako. Kakain sana ko sa isang malapit na restawran pero tinamad na rin ako kasi nakakatamad kumain mag-isa. Sandali na lang din naman ang byahe ko pauwi ng bahay. Kaya napagdesisyunan kong sa bahay na lang din kumain.

Pero dun ako nagkamali. Mayroon palang ginagawang kalsada sa may Bacoor. Isang oras na mahigit ang nakakalipas pero hindi pa rin umaandar ang trapik. Gutom na gutom na ako! Anlamig pa sa loob ng bus kaya medyo giniginaw ako. Texting nalang ang ginawa kong snacks, pero hindi pa rin maikaila ang kalagayan ng sikmura kong tumatangis.

Pasado alas dose na ng gabi. Wala pa ring pag-usad ang mga sasakyan. Naririnig ko na rin ang pagkalam ng sikmura ng ibang mga pasahero. Magkagayon, out of nowhere, isang magiting na boses ang bumasag sa katahimikan ng mga pasahero lalo na dun sa mga dinaan nalang sa pagtulog ang gutom. “Sampu-sampu lang!” ang sabi ng boses. Nagkaroon ng ulirat ang lahat! Parang artista lang si manong vendor na pinagkakaguluhan ng halos lahat ng tao sa loob! Box office talaga! Sa buong buhay ko, yun ang unang pagkakataon na makakita ako ng ganun, na halos lahat ng pasahero sa loob ng bus ay bumili sa isang street vendor. At iyon din ang unang pagkakataon na bumili ako ng kropek sa kanya. Ang sarap pala! Haha! Nakikinita-kinita nyo ba ang kalagayan namin sa loob? Nararamdaman nyo ba ang gutom na dinanas naming lahat? Isang gintong aral ang natutuhan ko. Mayaman o mahirap, bata o matanda, pasosyal o jologs, babae o lalake, tomboy o bakla, pag ikaw ay gutom, pare-pareho lang kayo ng kakaining FISH CRACKERS! Bwahahaha! Tandaan nyo yan.

Kaya para sayo manong vendor, sa iyong ginawang pagsagip sa aming mga kumakalam na sikmura, Mabuhay ka! Hindi ko na iaakyat ang house bill sa senado tungkol sa  pagbabawal  ng mga vendor sa bus. Sa halip, dumami pa sana kayo. Ipagpatuloy niyo lang ang inyong marangal na trabaho. Muli, maraming salamat sayo Manong Vendor! Isa kang tunay na bayani!

Odysseus
Men are haunted by the vastness of eternity. And so we ask ourselves:
will our actions echo across the centuries? Will strangers hear our
names long after we are gone, and wonder who we were, how bravely we
fought, how fiercely we loved?

Don't Stop Believing
Truly, more than ever, life is a series of unimaginable events. We laugh and we cry, we stand up and we fall, we take risks and we fail. But no matter what the chances are, life is the greatest gift our God ever made. Colors of different hues are all around for us to savor, giving us multitude levels of reason to live.

The naked face, no matter how valiant it could be, is never the basis for the reality. Transparency never exists. The fact about the saying, what you see is what you get, is only a myth. There’s always an unseen mystery around us, something never fully explained.

Certain, there are some things in life rather left unspoken, different matters rather kept in silence. For a man will always soar through the wildest theories, but will never get the reality, not even a bit. No matter how hard he tries, even if he gets the most of what he thinks is real, will never find the most critical part of the truth – deceived by the transparency of the nature of a being.

Life is never designed in just black and white. There are millions and millions of never-ending choices. Being shattered is never the end, yet it is only the beginning. Let go of your loss and start a new life - a life without the shadows of the past. Don’t stop believing and always keep your dreams alive. If we live in the dark right now, there’s always a chance to see the light again. As long as we’re breathing, hope lives within us. All you have to do is to hold tight and believe.

Natutulog Ka Ba Palagi?
Tungkol ito sa mga taong mahilig matulog. Pinaglihi yata sa patay. Kulang nalang yata eh lagyan ng bulak sa magkabilang butas ng ilong. Ilang oras ka ba matulog sa isang araw? Walong oras yung minimum quota, diba? Pero yung iba, sabi nila mga 6 hours lang ang tulog nila. Yung iba naman less than pa. Pero, gaano ba talaga katagal dapat matulog ang isang tao?

Buweno, hindi naman talaga ito tungkol sa literal na pagtulog. Sabay ganon? Mahilig lang talaga ako sa figurative speech. Pero, ano ba ang kinalaman ng mga pinagsasabi ko sa itaas?

May ilang mga tao kasi sa mundo na kailangan na talaga gamitan ng “high voltage megaphone” para magising. O sa ibang salita, minsan dapat walangyain na talaga ang mga taong ito para tigilan na ang sobrang pananaginip at pagpapantasya ng GISING! Para sa inyong impormasyon, hindi normal para sa isang tao ang managinip ng nakadilat ang mga mata! Hoy mga tsong at tsang, kung sa tingin mong ma-ooffend ka sa mga sasabihin ko, paumanhin pero isa itong “wake-up call” para sa lahat. Para na rin ito sa sarili mong kapakanan at nang hindi ka nagmumukhang tanga sa paningin ng mga taong hanep kung makapanlait. Ipinanganak silang sampu ang mga mata at labing-anim ang bibig. Kaya kahit anong gawin mo, tapalan mo pa  ng vulca seal ang bibig niyan, may matitira pang labing-lima. At talagang hindi mo na rin mababago ang kanilang kaligayahan sa buhay na pag-usapan ka habang ikaw ay nakatalikod.

Kaya eto, makinig kang mabuti sa mga sasabihin ko para hindi ka nila maging biktima. Minsan kase, nasa iyo na rin ang problema eh. Hilig mo kase managinip ng gising.

Trip mo talaga na ipagsiksikan ang sarili mo sa isang lugar na napakasikip. Feeling ka mashado! Alam mo ba ang meaning ng “S” na size sa apparel? Ang ibig sabihin ng “S” ay “Seksi” at hindi “Shubaboy”! Feel na feel mong isuot ang body fit na shirt sa katawan mong tila pinalamanan ng salbabida! Ang masama pa nun, labas ang pusod mong hayop ka na namamakipak sa libag! Err! Oo, alam namin na marami kang mga guhit sa bilbil pero hindi mo naman kailangan ipangalandakan yan sa buong mundo. Maganda ang choice of shirt mo, signature pa nga e. Pero naman oh! Hindi ka cute tignan, pramis! Sorry pero panget talaga. Nakakaimbyerna! Ang laswa! Ang Sagwa! Hindi bagay sayo. Hay, nakaka-depress. Nakakaawa ka. Nalulungkot ako para sayo. Walo sa bawat sampung tao ang makakapagsabi na isa kang desperadang lumba-lumba na naghahanap ng lingap. Panalo ang gimik mo! Kapansin-pansin ka nga talaga! Bwisit ka! Magpalit ka nga ng damit! Baboy! Isa pang pahabol, tapalan mo nga ng isang kilong tawas ang kili-kili mo! Nak ng baktol naman!

O ano nagising ka ba?

Wala naman masama sa pananaginip. Ang masama lang ay yung sobra. Una, ang panaginip ay isang ilusyon lamang na gawa lamang ng iyong malikhaing utak. Yun na nga eh, ilusyon lang at hindi talaga totoo! Pero bakit masyado mo pa rin pinapangarap ang isang bagay na hindi naman talaga mangyayari? Pangalawa, “kitang-kita” mo nang hindi talaga para sa iyo ang isang bagay, pero bakit isinisiksik mo pa rin ang sarili mo? Pangatlo, hindi naman lahat ng bagay na nakikita o nadarama mo ay para sa’yo o makukuha mo. Urur ka! Pang-apat, marami ka naman pagpipilian eh, bakit hindi mo subukan ang iba na mas bagay para sa’yo? At panghuli, ang sobrang pananaginip at ang umasa na magkakatotoo ito balang araw ay magdudulot lamang ng isang napakahapding pagkabigo kung hindi mo ito makakamit.

Parang yung body fit signature shirt ni Ms. Piggy. Maganda yung damit nya, eh hindi naman bagay sa kanya. Pero pinagpilitan nya pa rin na isuot yun sa katawan nyang-SIKSI-k. Ano ang resulta? Totoo, narinig ko ang ibang tao na piang-uusapan siya, pinagtatawanan, at nilalait. Masakit talaga yun para sa side ni Ms. Piggy. At sino ba naman ang hindi masasaktan habang nilalait ka ng patalikod? Oo, nandoroon na tayo sa pagsunod sa sa mga bagay na ikaliligaya mo, pero paano din naman yung kaligayahan ng iba o yung mga taong maaapektuhan ng mga desisyon mo sa buhay? Baka humirit ka pa dyan na “gagawin mo ang lahat at hindi ka susuko, makuha mo lang ang isang bagay na gusto mo”. Hoy selfishness yan! Mamaya ipapaliwanag ko kung bakit. Hindi mo rin pwedeng sabihin na “kanya-kanyang trip lang yan”, dahil mas maraming tao ang nangingialam sa trip ng iba, o yung mga “epal” kung tawagin. Subukan mo pang awayin ang mga taong yon, at baka magsuntukan pa kayo nun. O diba? Kung hindi magpaparaya ang isa, magkaka-giyera talaga sa paligid natin. Kaya ano ang dapat mong gawin?

Gumising ka na sa katotohan, at tanggapin na totoo ang lahat ng mga sinasabi ko! Huwag ka masyadong umasa sa magulong buhay na ito at sa lahat ng bagay na nakikita mo sa paligid. Dahil karamihan sa mga ito, walang mabuting maidudulot sa buhay mo. Tandaan mo yun! Isa pa, wala naman nagtatagal sa mundo eh. Kaya bakit aasa ka sa mga bagay na hindi naman mananatili sayo? Magkagayon, ang sugat na dulot ng pagkabigo, mawala man ang sakit ay may maiiwan pa din… yung mga peklat na idinulot ng nakaraan na laging magpapaalala sayo na totoo ang kahapon. Minsan, kailangan din ang pag-iisip ng taimtim tungkol sa mga bagay na ginagawa mo sa buhay. Huwag na lang palagi ang “sarili mo” at kung ano ang “gusto mo” ang binibigyan mo ng pagpapahalaga. Eh kung halimbawa kaya ay pilitin ka na ibigay ang isang importanteng bagay na pag-aari mo, at hindi mo kayang ibigay sa isang tao, matutuwa ka kaya? Bigyan mo rin naman ng konsiderasyon ang iba. Isipin mo rin yung mga bagay na makapagpapaligaya sa kanila. Gawin mo at hanapin mo kung ano lang ang tama, pero hindi ang pagpapakalabis. Pero talaga naman, ang “selfishness” dumadaloy na talaga sa dugo ng mga tao, at hindi na natin maiwawala ang di-kasakdalang ito na minana natin sa ating unang mga magulang na nabuhay sa mundo. Pano nangyari iyon? Next entry ipapaliwanag ko kung bakit. May isang magandang topic din na pwede natin pag-usapan – “Sa bawat 100 mabubuting bagay na nagawa natin sa isang tao, bakit kaya sa 1 beses lang na makagawa tayo ng pagkakamali sa kanila, yun pa ang natatandaan?” Naitanong mo na ba yun minsan?

Kung na-offend ka, wag ka na mag-comment, dahil just in case, buburahin ko ang comment mo. Hindi pwede dito ang mga taong matataas ang pride. Gising na! Masama sa kalusugan ang oversleeping.

The end.

Nilalagnat ako!
Kakauwi ko lang. Galing ako sa PGH ngayong araw para bisitahin ang isang mahal naming kaibigan na nahimlay sa banig ng karamdaman dahil sa stroke. Ang tanging panalangin na lang namin ay maging maayos na ang lahat para sa kanya at sa kanyang pamilya. Gawin na lamang ng Diyos ang bagay na makabubuti para sa kanilang lahat.

Magkagayon, medyo kinakabahan din ako sa sitwasyon ko ngayon. Ewan ko pero pakiramdam ko, nakalanghap ako ng virus. Napansin ko kasi na halos lahat ng watcher na nandoroon ay nakasuot ng surgical mask. Tapos may nakasulat na mga warning sign sa bawat sulok ng ER na dapat magsuot ng mask ang mga watcher. Eh sabi ko naman sa sarili ko, hindi ko na kailangan nun kasi malakas naman ang resistensya ko.

Yari! Nilalagnat na ako. Sana hindi ko ito nakuha sa ospital. Sana nasa isip ko lang ito. Hmmm, just in case na nakuha ko ito sa ospital, ano kaya ang sakit na ito? Sana hindi naman serious.

A Short Message
Where to begin? Eyes are burning up, heart is pounding too much. A difficult time it is. Words are still empty. But he must try. Hesitation wraps his mind but words must not be kept forever.

A note for her, he ought to put in writing. Someday she will find them, he considers. Things he wanted to speak, but time never allowed. In such a way like this, though seeing her eyes once more is not too possible anymore, these words will carry the message to this one important person of his life.

In the past it has been said, wrong things that he did to her just let be forgotten. But forgetting has never been too easy for him to do. Guilt pounded him to the ground so rough. Every time he passes by to look upon her eyes, there is none for him to see but his own mistakes haunting back at him. Some things he wished never had occurred because of his foolhardiness. He tried as he always did. But too weak he is, he failed.

What he must do? To himself, he always asked. Dreaming each day, that he possess the power to turn back the time. The day he acted like a child. That madman inside him, the insignificance of his existence, must never have taken a place between them. His insanity created a high wall of division, making it hard to break, rather an impossible scenario to be with her again like before.

Everything has changed. Everything has fallen. Everything has faded. Dreams shattered. Hopes ended. He must have never asked for something greater than what they had. He flew so high with pride, then ate the bitter consequences of doing that so. There are some things in life rather left unspoken, he realized. Let them just be undisclosed and time will find a way. The feelings you have, no matter how excruciating it feels by locking them deep inside will lighten up soon. But the weak like him, will never prevail.

Letting go is a difficult thing to do for somebody you love the most. But weakness doesn’t deserve a place, not even a chance to try. They will just make the life of others miserable, giving them distress, unpleasantness, and the worst… giving them a reason to slip away. If they are hurting inside because of something they cannot get, trying will just hurt their feelings more, especially if the don’t feel the same way. These are the things he must apply.

No matter how powerful words are to put back together what is broken apart, a scar will be left. Deep marks that will make us remember that a scar must never be inflicted again. A scar that is a reminder to move away, let go, and move on. And finally, admit the truth that they deserve something better. Indeed, someone better is what she deserves. Someone who will care for her more, someone stronger, someone who will love her unconditionally and someone who will make her feel happy forever.

After all, their friendship is the best thing ever happened to his life. The memories will remain forever in his heart, the joy and happiness it brings will always be felt.

One Significant Day
The luminaries in the skies tonight, they shine so bright. His eyes are deeply touched by the glow. Knowing the fact no matter how distant the woman is to him, underneath the same stars they reside. Somehow, it makes him feel close to her.  The memories are inscribed beyond those stars, as it reminds him of a significant time he must never fail to remember – the day when he first saw her eyes so unforgettable.

Indeed, a day that plays a certain role to his life. Essential lessons in reality, he learned. The most important ones, vast experiences helped him to become a better man. All because of her, he got the most of everything he needed to know. Inside his chest they linger. His heart is overflowing of her remarkable metaphors.

The sonata of his life is her, rising and falling, a sweet intoxication. A loving friend she is, caring at all times. In laughter, in sorrow, in sickness and in health, only death will break this bond apart. Like an expensive pearl found in the abyss of the Mediterranean, very rare, valuable, an everlasting treasure.

Never will he deny the happiness of that day. A strong foundation where it all began, and how things came into reality. Once in his life he dreamed, and she made it come true. The friendship, marked so deep, neither time nor infinity could take it away. In his heart, in his love, and in his prayers, forever she will be.

These words are not enough to express his warm gratitude to her. He promised to himself, whenever the music plays, he will always leave a note. Hoping that someday, everything that he wrote will make her feel how thankful he really is that he met someone like her one sweet day. That he writes not the details of what his naked eyes just saw in the past but the definiteness of what he felt inside.

Forever it is a great privilege to write words about her despite of his perilous life.

Autumn Leaves
An anecdote of his life, a story must to remember. In perfect glamour the music plays, he shall trust. The notes rise and fall, like the grains of the winter wheat – they remind him the best days of his life spent with her. His soul flees across the indefinite concourse of bliss, as of her memoirs made profound scars in his heart.

The autumn or fall, the significance they must know. If dry leaves fall, one must not forget the splendor they have once had. Memories are the leaves, on one occasion gave us happiness thou shall not deny. Seasons change but the reality of the history must never fade.

Once in his darkened hours, he asked for a light. The skies opened and the tempest at last ended. From the east, he saw something bright. His prayers were answered by the God above.

Let words carve a history, and for the world may know how a loving artist like her painted his life with vastness of colors and decorated them with roses of yellow and red. When his life comes to an end, these words must remain, like the autumn leaves of the past.

Words are dedicated to her. Somewhere in time, the woman with the most beautiful eyes realizes how deserving she is to be loved and be intoxicated with too much elation until the end. Let his words captivate her, and embrace her body with sincerity of his true love and affection caused by the joy of her kindness and hospitality to him.

He must thank for the woman for everything.

The man lived his life with no regrets until now. Never had he wanted to end the moment without letting the woman know how much he cares for her. Forever she will be a special part of his life… and the empress of his dreams.

Mabilis na Kwento
Alam nyo ba yung restaurant sa may parteng Pasay? Yung Singing Cooks & Waiters atbp? Hehe! Wala lang, may naisip lang ako dun sa mga neon lights na nakalagay sa gilid ng resto.

Ganito kasi ang nakasulat, "MANUKAN, BAKAHAN"

What's wrong? Para kasing may kulang sa meat series eh. Hindi ba dapat lagi silang kumpleto? Manok, baka, at BABOY! Pero nasaan na yung baboy?

Ahh, oo nga naman! Kasi pag sinali nila ang baboy sa signage, ganito ang mangyayari... "MANUKAN, BAKAHAN, at BABUYAN".

Pag may ka-date ka at tinanong mo sya kung anong category of food ang gusto nya, ganito daw ang sasabihin mo, "Honey, tara BABUYAN tayo!"

Ayus diba? Wehehe!

May alam ba kayong babuyan? Tara na BABUYAN TAYO!

Toinks!